Takot matulad sa kakambal na namatay sa sakit

Dear Roma,
Ako si Romela, 22 years old, may kakambal ako na namatay noong nakaraang taon dahil sa sakit. Ang sabi sa akin ng mga doktor, malaki ang tsansa na magkaroon din ako ng sakit tulad ng sa kakambal ko, kaya ngayon ay natatakot ako. Sa ngayon, maganda ang lifestyle ko at physically fit ako, ang tanong ko, dapat ba akong mangamba na baka matulad din ako sa kakambal ko? — Romela
Romela,
Posibleng mangyari ang sinabi ng mga doktor kung nagpa-test ka sa kanila, kaya ang maipapayo namin sa iyo, okay lang na mangamba ka dahil buhay mo ang nakasalalay dito, pero mas mainam kung magpapakonsulta ka na rin sa doktor nang sa gayun ay hindi ka na ma-stress sa kaiisip. Alam natin na may mga senaryo talagang nagiging magkapareho ang kambal, pero puwede ring hindi. Kaya magpa-check-up ka na habang maaga pa. God bless!





Comments