top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Partido Komunista, sakit ng ulo ng ‘Pinas, ipagbawal!

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 28, 2019
2 min read

MAHIGIT limang dekada na ang nakalilipas nang pinamunuan ni Jose Maria Sison (30 taon nang masarap ang buhay sa The Netherlands) ang Partido Komunista o kilala ring Communist Party of the Philippines at ang armadong grupo nitong New People’s Army (CPP-NPA).

Hindi man nagwagi noong1980s, napa­ka­laking problema pa rin sila ng bansa.

Sa ilang mga lugar sa bansa, partikular sa mga probinsiya ay patuloy pa rin ang kanilang pananakot para mahikayat ang mga magsasaka sa kanilang “pekeng rebolusyon”.

Maraming magulang ang nadismaya at su­mama ang loob nang malamang ang kanilang mga anak na hirap na hirap nilang pag-aralin sa mga unibersidad at kolehiyo ay naeenggan­yong sumali sa NPA o mamundok!

Ang masaklap, nakikitil ang buhay ng mga batang ito dahil napapalaban sila sa puwersa ng pamahalaan.

Kapag naging NPA sila, walang magagawa ang mga sundalo kundi ang kalabanin sila dahil kung hindi, ang mga sibilyan ang ma­papatay.

Napakalinaw na kinakailangang isabatas ang pababawal ng Partido Komunista at gawing iligal ang pagiging miyembro nito na may karam­patang parusang pagkakulong.

Walang masama kung ang organisasyon ay gustong magpalaganap ng ideya ng komu­nismo.

Ang mali ay kung ito ay tulad ng Partido Komunista na may ideya na mag-aklas para pabagsakin ang demokratikong sistema ng pamahalaan sa pamamagitan ng dahas.

Mayroon tayong dating batas, ang Anti-Sub­version Law na naipasa noong Hunyo 1957 ni dating Pangulong Carlos P. Garcia sa pama­magitan ng Republic Act 1700 kung saan idinek­larang iligal ang Communist Party of the Philip­pines, Hukbong Mapagpalaya ng Bayan at iba pang mga organisasyon.

Ang problema, si dating Pangulong Fidel V. Ramos na ayaw daw sa sakit ng ulo, pinili nitong bawiin o ibasura ang Anti-Subversion Law noong 1992, ilang buwan pa lang nang umupo siya bilang pangulo.

May mga nagsasabing ginawa ito ni ex-P-FVR dahil sa kahilingan ni dating Pangulong Cory Aquino na pinagkakautangan niya ng kanyang pagiging pangulo.

Malapit si ex-P-Cory sa mga komunista dahil sa tingin niya, tumulong ang mga ito sa pagpa­pabagsak kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Isipin ninyo, nakulong at napan na si Joma Sison ni ex-P-Marcos, pinalaya pa siya kaya ‘yun, nakatakbo tuloy sa The Netherlands.

Malaking sagabal sa pag-unlad ng bayan ang gulo na patuloy na ginagawa ng mga komu­nista.

Kinakailangang gawin ni Pangulong Rod­rigo Duterte ang kanyang sinumpaang-tung­kulin, ang depensahan ang Republika ng Pili­pinas.

Hawak niya ang Kongreso at malaki rin ang suporta sa kanya ng mamamayan.

Alam nating wala siyang pakialam sa pam­babatikos basta tama ang kanyang ginagawa.

Mabuti na lang at nagkaroon tayo ng pa­ngu­long may tapang at kakayahan na labanan ang Partido Komunista.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page