Nanlabang tulak dedbol
Pabs Hernandez III
Aug 28, 2019
1 min read
SULTAN KUDARAT—Patay ang drug pusher nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Esperanza.
Kinilala ang suspek na si Rolly Liboon, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa buy-bust operation si Liboon, pero nanlaban ang suspek at pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang suspek.





Comments