top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Agosto 28, 2019 (Miyerkules)

Maestro Honorio Ong
Aug 28, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 28, 2019 (Miyerkules): Kaka­iba ang tapang mo. Dahil dito, walang dahilan para hindi ka magtagumpay sa buhay. Tapang ang susi sa tagumpay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon mo na hilingin sa langit ang pinakagusto mo sa iyong buhay. Kahit imposible o mahirap mangyari, gaga­wan Niya ito ng paraan para sumaya ka. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-25-23-38-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka kahit napipi­litan ka lang. Nauunawaan ka ng langit dahil alam nitong nag-aalinlangan ka sa sarili mo. Kumilos ka at paga­gandahin Niya ang takbo ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-16-21-27-30-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Hindi ka ina­awat sa sobrang lakas ng iyong loob pero, pina­payuhan ka na panatili­hin ang bilis ng iyong isip. Ito ay dahil mula noon hang­gang ngayon, ito ang susi mo sa tagum­pay. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-29-31-32-34.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong palagpasin ang masuwerteng araw na ito kung kailan mas marami kang maku­kuhang pakinabang sa pa­mamagitan ng walang ta­kot na pakikipagsapala­ran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-27-30-37.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hin­di mahirap ma­unawaan na ang negosyo ay negosyo. Ibig sabihin, huwag mong pagsabayin ang bisyo at negosyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-22-25-31-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Umaasenso ang may bukas na isipan. Wala nang pag-abante ang buhay ng ayaw magdagdag ng kaalaman. Ito ang dapat mong isaisip. Masuwer­teng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-20-21-25-27.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sukatin mo ang pagkatao ng sinumang nagpapakita ng kaka­ibang pagtingin sa iyo. Hindi na dapat maulit ang nakaraan dahil sa nagpa­kita ng kabaitan ay nahu­log agad ang loob mo. Ma­suwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-14-16-25-28-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahaha­rap ka sa sit­wasyong hindi ka puwedeng umatras. Hu­wag kang mag-alala dahil ang langit ay papa­nig sa iyo kung saan gagawin nitong madali para sa iyo na ha­rapin ang pagsubok sa iyong buhay. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-6-9-14-18-24-26.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahirap maunawaan ang ilang tao sa iyong tabi. Hayaan mo lang sila dahil masasa­yang ang oras mo kung iintindihin mo sila. Ito ang mensahe ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-15-19-21-28-32-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatalu­nin kang muli ng iyong kahi­naan. Mamahinga ka at panoorin mo ang mga nagaganap sa iyong ha­rapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-14-16-22-24.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ay masuwerte pa rin. Ang nara­ranasan na tila kawalan ng pag-usad ng iyong buhay ay nagsasabing, kumukuha ng buwelo ang mga suwerte mo. Ma­suwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-27-30-31-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumating na muli ang mga araw na kapag nagpakita ka ng tapang ay kusang maglalapitan sa iyo ang mga suwerte. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-26-38-41-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page