Alamin mula kay Señor... ORASYON PARA SA KALIGTASAN NG MGA MAHAL SA BUHAY
- BULGAR

- Aug 28, 2019
- 1 min read
Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Lenlet ng Elenita_Iam@face book.com
Dear Professor,
Nandito ako ngayon sa Dubai, pero noong nasa Pinas pa ako ay palagi akong nagbabasa ng BULGAR.
Puwede bang makahingi ng orasyon o banal na dasal para sa mga mahal ko sa buhay? Kasi kapag may mga sakit at problema ang mga mahal ko sa buhay, masyado akong nag-aalala. Inaasahan ko na ako ay inyong mapagbibigyan.
Salamat!
Naghihintay,
Lenlet
Sa iyo, Lenlet,
Oo, mahirap talaga ang mag-abroad dahil malalayo ka sa mga mahal mo at bukod pa ‘yun sa maraming pagsubok na kahaharapin mo sa abroad.
Narito ang orasyon para hilingin sa langit na ingatan ang mga mahal mo sa buhay habang ikaw ay nasa malayo:
1. Orasyon para gumanda ang kapalaran ng mga mahal sa buhay: “Deus autem omnipotens benedicat mea in omnibus factis suis. Amen.” Darasalin ito nang pitong beses.
2. Orasyon para magkaroon ng magandang kapalaran at masayang buhay ang mga mahal sa buhay na nasa malayo: “Fortuna et dat kindley dominus meus domus mea beatam vitam.” Dasalin ito pagkagising at bago matulog.
3. Orasyon para gumaling ang sakit ng mahal sa buhay na nasa malayo: “Omnipotentis Sana Domine carorum habitabant per aliam partem.” Darasalin ito hanggang sa bumuti ang kalagayan ng may sakit.
Good luck and God bless!




Comments