top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Ahas na may pakpak at makulay, magkakadyowa ng mayaman ang nanaginip

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 28, 2019
1 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Joan ng De­gu­nan_Joan@facebook.com

Dear Professor,

Nanaginip ako ng ma­laking ahas na kulay rain­bow, may mga feather ito na parang ibon at rainbow din ang kulay. Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Joan

Sa iyo Joan,

Nakatakdang maging bahagi ng iyong love life ang lalaki na may makulay na buhay. Marami man siyang na­ging karanasan, punumpu­no ng masasayang bagay ang kanyang buhay kung saan kapag naging kayo, sasaya rin ang buhay mo.

Hindi lang saya ang ma­pasasaiyo kundi maging ang sarap ng buhay. Kapag pi­nag-uusapan ito, hindi ma­wa­wala ang pagkakaroon ng magagandang mga bagay.

Ang sarap ng buhay ay kasingkahulugan ng yaman at mga ari-arian, kumbaga, hindi lang ng makabagong gadgets kundi ang tahanan, sasakyan at mga kasuotan din. Bukod pa ito sa paglili­waliw sa magagandang lugar o pasyalan.

Kaya, ihanda mo na ang iyong sarili nang sa gayun ay hindi ka mabigla sa mga mang­yayari sa iyong buhay.

Ang ilan sa mga payo ay una, hayaan mo lang ang maiinggit sa’yo dahil kapag pinatulan mo ang inggit, maba­ba­wasan ang iyong saya. Iwa­san mo rin ang selos dahil nagbibigay ito ng kawalang-katwiran at kaya nitong bu­lagin ang isipan.

Ikalawa, sakyan mo lang ang agos ng buhay, kumbaga, huwag kang sumalungat sa iyong kapalaran dahil ang su­musunod sa agos ng kapa­laran ay hindi nasasaktan at hindi nagiging luhaan.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page