Todo-sigaw na ayaw sa kanya… madir ni Gerald ipinauubaya na ni Bea kay Lord

Nitz Miralles / BIDA

Photo : @herrasmarkangeloofficial
SABI ng mga nakabasa ng IG Story ni Bea Alonzo na “...And then God stepped in,” at “Lord, I lift up everything to you,” reaction niya ito sa interview ng mom ni Gerald Anderson kung saan sinabi nitong ayaw niya sa aktres noong karelasyon pa ng anak niya.
Hindi nag-react si Bea sa pahayag ng mom ni Gerald kahit alam nito na marami ang naghihintay na magsalita siya. Basta para sa kanya, tuloy ang buhay at tuloy din ang shooting niya ng Star Cinema movie kasama sina Richard Gutierrez at Angelica Panganiban.
Tuloy din ang pag-attend ni Bea sa scriptwriting workshop ni Ricky Lee. Plano yata ng aktres na maging scriptwriter someday kapag hindi na siya masyadong busy bilang artista.





Comments