PHL DRAGON BOAT, GOLD SA THAILAND
- BULGAR

- Aug 27, 2019
- 2 min read

NASUNGKIT ng Pilipinas ang ginto at pilak na medalya sa Thailand Dragon Boat tilt.
Ang mga kawal atleta ng Team Pilipinas ay nagtapos sa silver medal sa small boat 200-meters Seniors A Open event matapos ang gahiblang laban sa Thailand sa World Dragon Boat Racing Championships.
Unang nakasungkit ang ‘Pinas ng 2 gintong medalya, 2 silvers at 3 bronzes sa world championships na nilahukan din ng may 4,000 competitors mula sa 29 na mga bansa. Nakapag-uwi ang Para Dragons ng 2 ginto, habang ang Senior A Mixed Open paddlers ay may silver at 2 bronze medals.
Pinangunahan ng Pinoy athletes ang malalakas na kampanya ng iba pang katunggali na Thailand, Malaysia, Ukraine, Australia, at Czech Republic. Sa tibay na taglay ng national team nagawa pa ng Thailand na manaig sa dulo ng pagsagwan at makapigil-hininga ang paghabol sa Pinoy crews sa huling 10 metro upang makuha ang gintong medalya.
Sinabi ni Technical Sergeant Usman Anterola, ang head coach at paddler ng Army Dragon Warriors na ito ang pinakamahirap na nilang laban sa halos dalawang dekada na pakikipagsagupa bilang Dragon Boat athlete. “We gave everything to win the race so that we can bring honor for the country. The national team of Thailand finished strong having the best pool of strong athletes with more experience in this water,” ayon kay Anterola.
Nagpahayag naman ng kagalakan at buong pusong ipinagmamalaki ni Lt. Col. Harold M. Cabunoc, pangulo ng Army Dragon Warriors at delegation team manager ang naging kampanya ng Pinoy team.
“What matters is that they showed their very best performance against the national squads from around the world. It was literally a ‘do or die’ attitude in action,” aniya.
Naka-bronze medal din ang mga kawal sa 2,000 meter event noong Agosto 21. Binati ni Lt. Gen. Macairog S. Alberto, na Army chief ang mga soldier-athletes sa kanilang naging accomplishment. “You have shown the world the high-level of competitiveness in the sport. Try to claim the gold in the last event,” aniya sa text message. (MC/VA)





Comments