Ex vs. bago ni Gerald… Kim, itinaob si Julia sa v-ball, proud na proud!
- Vinia Vivar
- Aug 27, 2019
- 2 min read

ANG pinakaaabangang face-off nina Kim Chiu at Julia Barretto ay naganap na last Sunday sa Star Magic All-Star Games volleyball held at the Araneta Coliseum.
Inaabangan ang paglalaban ng dalawa dahil nga nali-link ngayon si Julia kay Gerald Anderson na ex-boyfriend ni Kim.
Si Kim ang team captain ng Team Red na kinabibilangan nina Ysa Jimenez, Dalia Varde, Gillian Vicencio, Yasmyne Suarez, Chienna Filomeno, Vivoree Esclito, Analain Lim, Nikki Valdez and Jia Morado.
Si Julia naman ang team captain ng Team Blue at ka-team niya sina Carly Hernandez, Arabella del Rosario, Ella San Andres, Aiyana Waggoner, Ashley Colet, Pamu Pamorada, Katherine Gallo, Loisa Andalio and Gretchen Ho.
At ang nanalo? Ang Team Red ni Kim sa score na 25-21.
Sa kanyang Instagram account ay makikita ang labis na kasiyahan kay Kim sa kanyang pagkapanalo.
“#TeamRedHeartmade it!!! Ganu’n pala ‘yung feeling. Thank you for this one of a kind experience!! Solid! A big big thank you to our guest players @juliacmorado @eyalaure and to coach @kotskungfureyes, maraming salamat.
“Sa lahat ng sumuporta and pumunta for us kagabi!!! Thank you!!! Nakakakaba pero masaya!!! Thank you team RED!!! @nikkivaldez_@chiefilomeno @daliavarde @vivoree @yasmynesuarez @gillianvicencio @analain congrats guys!!!! Thank you for this wonderful experience!!!” ang caption ni Kim sa ipinost na group picture at short video ng kanilang laro.
Inulan naman ng congratulatory messages ang post ni Kim at isa sa mga bumati sa kanya ay ang best friend niyang si Maja Salvador.
Bukod sa pagkakapanalo ni Kim, viral din ang video ng aktres na tuwang-tuwang tumatakbo sa boyfriend na si Xian Lim matapos nilang manalo. Nagyakap ang dalawa habang karga-karga ng aktor ang GF at hinalikan pa sa pisngi.
Siyempre pa, kilig na kilig ang mga fans sa video lalo na nga ang mga KimXi fans.





Comments