Dalagita, ni-rape ng 2 menor-de-edad
Pabs Hernandez III
Aug 27, 2019
1 min read
ILOILO—Isang 16-anyos na dalagita ang ginahasa ng dalawang binatilyo kamakalawa sa bayan ng San Dionisio.
Ang biktima ay itinago sa pangalang “Susan”, nakatira sa nabanggit na bayan.
Hindi muna pinangalanan ng mga awtoridad ang dalawang suspek na edad 16 at 17 hangga’t hindi pa sila nadarakip ng pulisya.
Ayon sa ulat, pinainom umano ng alak ng dalawang binatilyo si “Susan” sa bahay ng isa sa mga suspek at nang malasing ay saka halinhinang ginahasa.





Comments