top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Akala raw, madali lang at sisikat agad… Andrea, umaming sising-sisi nang mag-artista

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 27, 2019
2 min read

BIDA sina Andrea Brillantes at Khalil Ramos sa horror film na The Ghosting, handog ng Reality Entertainment na mapapanood na sa August 28.

Bagama’t todo-drama ang young actress sa seryeng Kadenang Ginto, ani Andrea, magkaiba ang experience sa paggawa ng horror film kasabay ng kanyang madramang akting sa KG, pero pareho naman daw ni­yang na-enjoy ang trabaho.

“Ang hirap po kasi sa drama, kasi ru’n po, maldita ako, parati akong nang-aaway, parati akong nananabunot, naninigaw. Pero dito sa horror, palagi rin akong sumisigaw kasi natatakot ako,” pahayag ni Andrea.

Sey pa ng young actress, “Siguro, mas komportable lang ako nang konti sa drama. Kasi para sa akin, mas madali po ‘yung iarte, ‘yung emotions na ‘yun. Kasi kapag horror po, puro takot lang, eh. Ang hirap po kasi sa akin, hindi po ako matatakutin.

“Eh, kapag horror po, puro takbuhan. Actually, pumayat nga po ako sa movie na ito kasi puro ako takbo. Tapos, ang da­mi ko pong naging pasa sa movie na ito.”

Aminado si Andrea na kung hindi dahil sa Kadenang Ginto ay hindi rin magkakasunud-sunod ang proyektong kanyang ginagawa. Malaking tulong daw sa kanya ang soap opera para mabigyan din ng movie project.

“Yes po, gaya po nitong The Ghosting. Hindi naman po ako maika-cast dito kung hindi nila ako napanood sa Kadenang Ginto.

“Mas marami na pong naka­kapanood sa pag-arte ko. And feeling ko po, mas nakikita na ng mga tao kung paano ako umarte, mas marami na pong nakaka-appreciate. Sobrang laking tulong po nitong Kade­nang Ginto sa akin kasi ang dami rin pong blessings ang pumasok sa life ko.”

Nai-enjoy pa ba niya ang teen-age life ngayong sobrang dami ng kanyang trabaho sa showbiz?

“Nagkaroon naman ako ng life nang hindi pa ako artista, mga 7 years ‘yun. Kasi nag-start ako mag-artista, mga 7 years old ako.

“Choice ko naman po ‘to. Dati, nagsisisi ako na kasi bata pa ako, ang naiisip ko na pagiging artista, madali lang. Sisikat ka, marami kang fans, mabibili mo lahat ng gusto mo. ‘Yun lang ‘yung naisip ko.

“Pero ngayon, ang dami pa pala. Ang hirap maging artista. Ang dami kong natutunan. Ang dami ko ring pinag­daanan na sobrang hirap. ‘Yun ‘yung hindi ko naisip kaya sana, nasabihan ko ‘yung dating ako,” lahad niya.

Na-enjoy din naman daw niya kahit papaano ang kanyang childhood kaya wala siyang pinagsisisihan kung ngayon ay puro work siya.

“Nagkaroon naman ako ng konting childhood. Nagkaroon ako ng mga moments na naglalaro lang ako sa kalye, bibili lang ako ng mga street food.

“Then, nag-regular school naman ako. Nag-stop lang akong mag-regular school noong high school ako. Doon po ako nag-home school and ‘eto po ‘yung pinili ko and ‘eto ‘yung ginusto ko talaga. Ito lang din ang alam kong gawin, ito rin ‘yung passion ko, ito rin ‘yung parang hope ko. And masaya naman po ako sa kung anu­man ang meron ako ngayon,” kuwento pa ni Andrea.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page