MOST WANTED NASAKOTE
TARLAC—Naaresto ng pulisya ang most wanted criminal kamakalawa sa hideout nito sa Bgy. San Jacinto, Victoria.
Kinilala ang suspek na si Jeremy Itan, nakatira sa Bgy. Ilog-Baliwa, Quezon, Nueva Ecija.
Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad si Itan sa bisa ng mga warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong mga kasong murder, frustrated murder at illegal possession of firearms and ammunitions sa Nueva Ecija.
Hindi naman nanlaban si Itan nang arestuhin ito ng pulisya sa naturang lugar.





Comments