MAGSASAKA TINODAS NG RIDING-IN-TANDEM
CAGAYAN—Patay ang magsasaka nang barilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Bgy. Malalinta, Tuao.
Kinilala ang biktima na si Ricardo Ligottan, residente ng Bgy. Angang sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, lulan ng kanyang motorsiklo si Ligottan nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.
Iniimbestigahan na ngayon ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril at pamamaslang sa biktima.





Comments