top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

D'yan inis siguro ang mga anak ng girl, understand? DRAMA ACTRESS, NAINLAB SA GUWAPONG PLAYBOY N

  • Erlinda Rapadas T.
  • Aug 26, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

MISTULANG May-December affair ang relasyon ngayon ng isang magaling na dramatic actress at ng isang guwapo at machong actor.

Malaki ang age gap ni dramatic actress sa lover niyang poging aktor. Halos kaedad na ng mga anak ni dramatic actress ang young actor.

Single naman ang status ni dramatic actress dahil hiwalay na sa ama ng kanyang mga anak at binata naman ang BF niyang young actor.

Hindi na nakipagrelasyon pa sa ibang lalaki ang dramatic actress mula nang mahi­walay sa ama ng kanyang mga anak. May mga nanligaw at nagparamdam, pero naudlot at hindi na siya nag-boyfriend pa!

Pero, may isang chapter sa buhay ni dra­matic actress na nakatrabaho niya ang gu­wapong young actor na malakas ang sex appeal sa kababaihan. Nagkalapit ang kanilang kalooban pero hindi nila mailantad ang kanilang relasyon. Tiyak din na tututol ang mga anak ni dramatic actress kaya no choice sila kundi ‘wag nang ituloy ang kanilang relasyon.

Si young actor naman ay nagpapalit-palit ng girlfriends. Naging kontrobersiyal pa nga ang hindi niya pakikipag-break sa kanyang GF.

Ngayon, may bulung-bulungan na bina­­balikan ni young actor ang dramatic actress na minsan niyang minahal.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page