'Di raw kailangan ng pera at sumikat… JESSY, IPINAGSIGAWANG SIYA ANG UMAAYAW SA MGA SHOWS NG DOS
- BULGAR

- Aug 26, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

HINDI lang isang artista si Jessy Mendiola dahil pinasok na rin niya ngayon ang mundo ng YouTube bilang vlogger kung saan gumagawa siya ng mga videos tungkol sa kanyang healthy lifestyle, BF na si Luis Manzano at personal videos na mas nakikilala siya ng kanyang mga fans.
Dahil dito, tuluy-tuloy ang pagbibigay niya ng update through social media para sa kanyang mga tagahanga.
Sa isang post ni Jessy, may isang netizen ang nag-comment na maganda sana ang aktres kaso wala naman itong show o project ngayon.
“Ganda sana kaso parang wala nang show/project,” sey ng netizen na may account name na @paul_carlston.
Sinagot ito ni Jessy at sinabing magbabalik-serye na siya sa show na Sandugo, kung saan makakasama niya sina Ejay Falcon, Aljur Abrenica at Elisse Joson. Ayon pa sa aktres, sarili niyang desisyon ang pagpapahinga.
Aniya, “Sandugo po. Choice ko po magpahinga rin.”
Nag-post din ng Instagram Story si Jessy at sinabing parte ng pag-aalaga niya sa kanyang sarili ang pagpapahinga sa pagtatrabaho. Wala rin naman daw masama kung mas pahahalagahan niya ang kanyang “mind” and “soul” kesa sa pera at kasikatan.
“Yes, even actors who are not visible have a choice to rest, sometimes our job can take a toll on our mental health. It’s called self-care. There’s nothing wrong about caring for your mind and soul more than money or fame. To those saying that I’m not allowed to rest just because I’m not seen on TV or given any projects? You are wrong. I value balance in my life. Maybe you people should too,” pahayag ng aktres.





Comments