'Di lang kay Bea… NANAY NI GERALD, AYAW DIN KAY JULIA DAHIL 'DI RAW BAGAY

NAMAMATAY na sana ang controversy nina Bea Alonzo, Gerald Anderson at Julia Barretto, pero heto’t muli na namang nabuhay dahil sa pagsasalita ng ina ng aktor na si Evangeline “Vangie” Opsima sa panayam sa kanya ng TV Patrol South Central Mindanao.
Sa napanood naming video posted by Kami.com mula sa YouTube channel ng Trending News, diretsang sinabi ng ina ni Gerald na ayaw niya kay Bea para sa anak.
“Alam mo, nag-a-argue kami ni Gerald laban sa ‘yo dahil ayaw nga kita para sa kanya,” pahayag ng ina ni Gerald na tila kinakausap si Bea sa camera.
“Ngayon, ganito na lang gawain mo sa kanya, ibinabasura mo ang bata. Lagi mong pinatatamaan ang anak ko. Ano na ba kasama si Gerald?” pahayag pa ng ina ni Gerald.
Sinabi rin niya na hindi raw niya nagustuhan ang mga pahayag ng make-up artist ni Bea laban sa kanyang anak.
“Isa pang hindi ko nagugustuhan, pati make-up artist mo, magbitaw ng salita laban sa anak ko.
“Hindi naman puwede akong manahimik sa mga lumalabas na issue, lalo na si Bea na humaharap talaga sa TV,” she said.
Lastly, may mensahe at advice rin ang ina ni Gerald para kay Julia.
“Hindi ko nga sinasabing ayaw kita, ‘no! Ang akin lang, advice ko lang sa ‘yo, please... ayoko kasi may-edad na rin si Gerald sa ‘yo. Hindi rin kayo magtagal dahil alam ko, nasa industriya ka rin,” ang mensahe ng nanay ni Gerald kay Julia.
Hindi namin alam kung bakit biglang nagpa-interview ang nanay ni Gerald though hindi rin naman namin siya masisi dahil damdaming-ina rin ang umiral sa kanya. Pero mas maganda sana kung napigilan niya ang sarili na magsalita dahil nagbigay na rin naman ng pahayag ang anak niya about the issue.
Besides, sariling love life na ng anak niya ito at kayang-kaya na ni Gerald bilang lalaki naman siya.
Anyway, dahil sa pagsasalitang ito ng ina ni Gerald, hindi na kami magtataka kung sagutin ito ng mga nanay din nina Bea at Julia na parehong palaban.





Comments