Dapat knows mo ito para epektib! | DASAL SA GUARDIAN ANGEL SA ORAS NG KAGIPITAN AT PANGANIB
- BULGAR

- Aug 26, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng kasagutan sa email ni Minthie ng Minthie_Minthie@facebook.com Sa iyo, Minthie, Noong nakaraan, nabanggit natin na may guardian angels ang bawat tao kahit bilyun-bilyon ang bilang ng mga tao sa mundo.
Pero, ang populasyon ng tao ay patuloy na dumarami kaya dapat marami pa ring mga anghel ang narito para matugunan ang tumataas na bilang ng mga tao.
Ayon sa lola ko, talagang napakarami ng mga anghel. Sabi pa niya, nang magkagiyera sa langit, one third ng mga anghel ang nagrebelde kung saan ang mga rebeldeng anghel ay sumama kay Lucifer na tinawag na masasamang anghel.
Hindi man eksakto ang bilang, masasabi pa ring napakarami ng mga anghel. Sa aklat na Apocalypsis, sabi ni San Juan, nakita niya na nag-aawitan ang maraming mga anghel, wala ring eksaktong bilang, pero masasabing kahit na bilyun-bilyon ang mga tao ay hindi mauubusan ng anghel para maging guardian angels.
Dahil dito, mahirap tukuyin kung sino talaga ang guardian angel ng bawat tao dahil kung tutukuyin, bilyon din ang pangalan ng bawat anghel na kinakailangan para matumbasan ang bilang ng mga tao.
Gayundin, hindi na mahalaga ang pangalan ng guardian angel kung ang tao ay mananalangin o hihiling ng tulong sa kanyang anghel.
Narito ang dasal para sa guardian angel ng tao:
• Latin version - Ángele Dei, qui custos es mei, me tibi commissum pietáte supérna, hodie illúmina, custódi, rege et gubérna. Amen.
• English version - Angel of God, my guardian dear, to whom God’s love commits me here. Ever this day be at my side to light and guard to rule and guide. Amen.
• Tagalog version - Anghel ng Diyos, ang aking tagapangalaga, kung kanino ako iniibig ng Diyos na narito, kailanman sa araw na ito, maging sa aking tabi, upang mamuno at magbantay. Amen.
Dadasalin ito sa oras ng kagipitan, panganib at sa mga sitwasyon na kailangan ang tulong ng iyong guardian angel.
Good luck and God bless.




Comments