Bilib daw sa mga p*kpok… PROSTITUTION IS A PROFESSION — SUE


MAY younger version na si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa hindi pagsusuot ng bra kahit pa sa mga showbiz events.
Buong-ningning ngang in-announce ni Sue Ramirez sa nakaraang presscon nila ni RK Bagatsing para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 entry nila this year na Cuddle Weather under Regal Entertainment na tulad nu’ng launching ng PPP 3, wala na naman siyang suot na bra.
Marami ring shocked kay Sue dahil buong-ningning niyang sinabi sa presscon na hindi big deal sa kanya ang pagbigkas ng word na “t*ti” dahil wala naman daw itong malisya para sa kanya.
May kaugnayan sa sex at mga maseselang bahagi ng katawan ang ilang tanong kina Sue at RK dahil tungkol sa nagmahal sa prosti ang kuwento ng Cuddle Weather.
May ilan ngang nag-react nang sabihin ni Sue sa presscon na “Prostitution is a profession,” dahil base raw sa naging role niya sa movie, mas hinangaan niya ang mga taong nae-engage sa ganitong trabaho na kailangang isakripisyo ang kanilang katawan at dangal mabuhay lang ang kanilang pamilya.
Kaya naman hiningi namin ang reaksiyon ni Sue kung sa tingin ba niya ay dapat nang i-legalize ang prostitution sa ‘Pinas matapos niyang sabihing ‘profession’ ito para sa kanya.
Sagot niya, “Dapat ba? Well I think, I respect each and everybody’s opinion. And I think that whatever people want to do with themselves and their bodies, it’s up to them and not up to anybody else, ‘yun lang.”
Sabi naman ni RK, pag-iisipan pa niya kung dapat bang i-legalize ang prostitution sa ‘Pinas dahil sa ayaw at gusto naman daw natin ay talagang nangyayari na ito at wala na tayong magagawa.
And when asked kung posible ba silang ma-in love sa prostitute in real life, parehong positive ang sagot ng mga bida ng Cuddle Weather dahil ito raw exactly ‘yung gusto nilang ipakita sa movie na kahit ang mga prosti na maraming pinagdaraanan ay may karapatan ding magmahal at mahalin.
Recently, naging issue naman ang online prostitution kung saan na-drag ang name ni Jackie Rice na sinasabing ‘escort girl’, pero itinanggi na ito ng Kapuso actress.
Kaya, natanong namin si Sue kung ano’ng gagawin niya sakaling mapasama ang name niya sa mga websites na nag-o-offer daw ng kakaibang ‘entertainment’. Magsu-‘sue’ ba siya?
Natawa ang aktres at nagbirong, “Hindi. Hindi nga ako nagba-bra, magsu-sue pa ako? Sobrang effort naman ‘yun!”
Dagdag niya, hindi siya apektado sa ganitong issue dahil alam niya sa sarili niyang wala siyang ginagawa at malinis ang kunsensiya niya.
Hamon pa ni Sue, “Sige, i-book nila si Sue at tingnan natin kung may dadating du’n. ‘Yun lang. Hindi naman ako guilty about it.”
Anyway, sa teaser pa lang ng Cuddle Weather, marami nang naeengganyong panoorin ang movie nina Sue at RK sa September 13 hindi lang dahil sa kakaibang kuwento nito kundi sa mga maiinit na eksena na may kasamang love na mula sa direksiyon ni Rod Marmol.





Comments