top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Wa' paki kahit super-rich ang ina ng anak… ELLEN, 'DI KAWALAN KAY JOHN LLOYD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2019
  • 2 min read

NITO lang nakaraang May, 2019 ay namasyal kami sa mga well-known tourist spots sa Cebu City at isa nga sa mga sinasabing sikat na pasyalan du’n ay ang napakalawak, napakalinis at napakagandang Temple of Leah na ipinatayo ng lolo ni Ellen Adarna para sa namayapang Lola Leah ng sexy star.

Tinanong ni yours truly ang isa sa mga guards du’n kung pumapasyal din du’n sina John Lloyd Cruz at Ellen. Ang sagot ay oo raw, paminsan-minsan.

‘Yung word na “minsan” ay may konek sa isang photo ng hindi pa napi­pinturahang bahay na ipinost ni Lloydie sa IG lately lang. Makikita rito ang isang standmount speaker na nakapatong sa isang kahoy na upuan at isa pang mini-speaker na nasa isang timba at naka­puwesto malapit sa hagdan.

“From nosi bala­si to kay bilis mag­la­ho nang kahapon (minsan),” ang caption ni John Lloyd sa litrato.

Ang Nosi Ba Lasi ay isa sa mga kantang pinasikat ni Sampaguita na ka­pag binaligtad ay Sino Ba Sila?.

Ang mga kataga namang “kay bilis maglaho nang ka­ha­­­pon” ay mula sa lyrics ng kantang Minsan ng Eraser­heads.

Now, just asking, patama ba ni Lloydie ang hugot na itey kay Ellen Adarna, ang ina ng kanyang unang lovechild na si Elias Modesto?

Kasi may ilang netizens ang nang­hi­­hinayang na bakit daw pinakawalan pa ni Lloydie si Ellen gayung belong ito sa isa sa mga yayamaning clans sa Cebu City?

Pero tipong sinagot na nga ito ni Lloydie sa kanyang Instagram post sa pamamagitan ng old hit song ni Sam­paguita.

Na tipong ang arrived sa amin ay… “Eh, ano naman kung galing sa maya­mang angkan sa Cebu si Ellen?” with matching background music ni Sam­paguita na ‘yun nga, with lyrics that goes… “Nosi, nosi balasi? Sino, sino ba sila?”

So in short, if we are not mistaken… ang patama-hugot song ay wa’ care si Lloydie kung yayamanin man ang angkan ng mga Adarna sa Cebu ‘coz kahit paano naman ay nakapagpundar din ng properties ang aktor somewhere in Laguna province.

Boom, ga­nern, ganernnn!

As in para na ring sinabi ni Lloy­die kay Ellen na “Kung belong ka sa yayamaning ang­kan sa Cebu City, may mga na­ipun­dar na rin naman akong pro­perties sa lalawi­gan na­min na pu­wedeng masa­bing yaya­ma­nin din kami.”

Kasi nga min­san ay nakapunta na si yours truly sa mansion ng actor sa Laguna kung saan nag-caroling kami noon. Malaki at malawak din ang mansion na ipina­tayo ni Lloydie para sa kanyang pamil­ya kaya hindi rin naman puwe­deng isnabin ang mga naipundar na properties ng actor nu’ng ito’y isa sa mga may malaking TF sa Kapamilya Network, na in pernes ay guaranteed contract pa na ibig sabihin, with or without work ay may suweldo. ‘Yun, o!

Ewan lang kung sino kina John Lloyd at Ellen ang hihirit naman ng old hit song na may lyrics that goes… “Isang iiwanan… isang babalikan…” tsuk, tusok! Insert smiley, J!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page