top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX

Tulad daw ng ginawa kay Bea… HIRIT NG MADLANG PIPOL: JULIA, 'WAG KANG PAKASAYA, PAGSASAWAAN KA R

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2019
  • 1 min read

PINAGTATAWANAN lang ng mga netizens ang pagdi-deny ni Julia Barretto na nanligaw sa kanya si Gerald Anderson at naging mag-BF-GF sila. Friends lang daw sila ng aktor kaya hindi siya puwedeng akusahan na may “inahas” na boyfriend.

Sino naman kaya ang maniniwala sa press release na ito ni Julia, eh, sa mga photos lang nila ni Gerald ay obvious na obvious naman na may “something special” na sa kanila? Sa body language na lang nila ay given nang may relasyon na nga sila.

Pero, may mga nagsasabing huwag pakasisiguro at huwag pakakampante si Julia sa relasyon nila ngayon ni Gerald kung masaya pa sila ngayon, dahil hindi magiging pangmatagalan at magkakasawaan din sila tulad ng nangyari kina Gerald at Bea Alonzo na sa una lang sweet na sweet.

Bata pa si Julia at marami pang puwedeng mabago. Hindi si Julia ang tipo ng babae o girlfriend na magiging sunod-sunuran lang sa kanyang boyfriend. Marami pang gustong makamit si Julia para sa kan­yang sarili at sa kanyang pa­milya. Hindi niya magiging priority ang love life!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page