top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

Mga OFW sa Saudi na balik-‘Pinas, naabuso na, nganga pa!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 25, 2019
  • 1 min read

WALANG ipon, walang pasalubong. Ang tanging meron ay buhay at pag-asa na muling makababangon.

Mahigit 100 overseas Filipino workers (OFWs) ang balik-bansa na matapos tumakas mula sa kani-kanilang amo sa Saudi Arabia. Sila ay mga biktima ng pananakit, pangmomolestiya at tangkang pambubugaw.

Mga umalis ng bansa na bitbit ang mga pangarap para sa pamilya, subalit, umuwi na ang dala ay mapapait na karanasan mula sa mga abusadong amo.

At sila ang dahilan kaya nais ng gobyerno na itulad sa kasunduan sa Kuwait ang bilateral labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia.

Matatandaang, pumirma ng Memorandum of Understanding (MOU) ang gobyerno ng Kuwait at Pilipinas para sa proteksiyon ng mga OFW.

Tinawag itong Agreement on the Employment of Domestic Workers between the Philippines and Kuwait. Kabilang sa mga probisyon ang 24/7 hotline para sa mabilis na pagresponde sa mga ulat ng pang-aabuso sa mga OFW.

Nakapaloob din dito ang kooperasyon at responsibilidad ng dalawang bansa at pagresolba sa mga hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga OFW at kanilang employer.

Kumusta na nga ba ang kasunduang ito? Sana naman ay naging epektibo at wala nang inaabuso.

Mainam din sana kung ma-review at matiyak na ito ay naipatutupad. Pinoy o anumang lahi, kahit saang sulok pa ng mundo mapadpad, karapatan nating tratuhin nang tama, bilang tao.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page