Kontrabida ang tingin sa padir dahil tutol sa GF niya
- ROMA AMOR
- Aug 25, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Ace, 16 years old. Gusto kong humingi ng payo sa inyo dahil may GF ako ngayon, kaya lang, tutol ang papa ko rito dahil masyado pa raw akong bata para pumasok sa relasyon. Nakalulungkot lang dahil imbes na maunawaan ako ng papa ko dahil napagdaanan na rin niya ito, eh, lumalabas pa siyang kontrabida sa buhay ko. Dapat ko bang sundin ang papa ko o panindigan ko ang nasa puso ko? — Ace
Ace, Minsan, nakalilito talaga ang buhay dahil kahit may mga taong napagdaanan na ang pinagdaraanan mo pa lang ngayon, eh, sila pa ang nangungunang tumututol. Sa totoo lang, bata ka pa talaga at siguro, natatakot ang papa mo na baka mangyari sa iyo ang nangyari sa kanya na hindi maganda. Intindihin mo na lang siya, pero kung sa tingin mo, eh, may mali na, oras na para komprontahin at i-open mo sa kanya ang iyong nararamdaman. Good luck, bro!





Comments