PASLIT, NASAGASAAN NG TRAK
Pabs Hernandez III
Aug 24, 2019
1 min read
PANGASINAN—Patay ang 3-taong gulang na bata nang aksidenteng masagasaan ng trak kamakalawa sa Bgy. Torres, Mapandan.
Kinilala ang biktima na si Nigel Salinas, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, hindi namalayan ng mga kamag-anak ni Nigel na nakalabas ito ng bahay at napunta sa kalsada kaya aksidenteng nasagasaan.
Kusang sumuko naman sa pulisya ang hindi pinangalanang driver ng trak na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.





Comments