Horoscope | Agosto 24, 2019 (Sabado)

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 24, 2019 (Sabado): Hindi ka magtatagal sa pamamasukan dahil ang utos sa iyo ng iyong kapalaran ay ang magnegosyo ka. Sa negosyo ka yayaman.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bilis ang magpapaganda sa buhay mo. Kaya kahit nag-aalinlangan ka, kumilos ka nang mabilis ayon sa iyong kagustuhan. Ang pagiging mabagal ay magbubunga ng panghihinayang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-20-23-39-40-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawakan mo ang iyong sarili, may babala na mabilis kang mapapasang-ayon sa hindi mo naman talaga gusto. Bago ka magdesisyon, sumangguni ka muna sa matalik mong kaibigan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-13-29-30-35.
GEMINI (May 21- June 20) - Muling ibinalik ng langit ang araw na ikaw ay mapalad. Ito ay para malaman ng mga lihim mong kaaway na hindi pa ubos ang iyong mga suwerte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-14-19-25-38-41.
CANCER (June 21- July 22) - Malaki ang tsansa na magbago ang isip mo dahil magigising ka sa katotohanang ikaw pala ay nagkamali, pero puwede mo pang itama ang sarili mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-14-15-22-29-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mabilis na iinit ang ulo mo. Para maiwasan mo ito, lumayo ka muna sa alam mong makatwiran at nagkukunwaring marunong at maalam. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-13-16-20-21-26.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magdalawang-isip. Kahit kailan, ang pag-aalinlangan ay nagdadala sa tao sa pagbagal ng pag-asenso at nagbubunga ng paninisi sa sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-18-20-25-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sasaya ka at kakaibang saya ang mapasasaiyo dahil ang buhay ay laro lang para sa iyo. Kaya ang nag-aakalang seryoso ka ay nagkakamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-27-37-39-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maghanap ka pa ng pagkakakitaan. Minsan, kaya mabagal umunlad ang tao ay dahil nananatili lang siya sa iisang aktibidad.Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-17-20-23.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Magbabalik ang araw kung kailan mananariwa hindi lang ang iyong katawan kundi maging ang iyong kapalaran. Huwag mong kaliligtaan na magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-11-16-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, mamasyal ka sa lugar na alam mong sasaya ka. Kapag masaya ka, susuwertehin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-18-24-27-36-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makisabay ka sa masasayang tugtugin. Igalaw mo ang iyong katawan sa himig ng awitin. Ito ang susi para magbukasan ang magagandang oportunidad na magpapaunlad sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-25-28-30-31-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang mangamba, pasukin mo ang nasa harapan mong magpapaunlad sa iyo. Hindi mahalaga kung wala kang karanasan dahil aasenso ka pa rin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-14-16-20-24-27.




Comments