top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

BIR Chief Dulay, napuno na, Mon Tulfo, kinasuhan ng libel at cyberlibel

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 24, 2019
2 min read

LAHAT ng bagay ay may hangganan.

Hanggang kailan ka magpapasensiya at uunawa?

◘◘◘

TILA nag-ala-”Fer­nando Poe, Jr.” si BIR Chief Caesar Dulay.

Napikon na siya sa brodkaster na si Ramon Tulfo.

Kumbaga, napuno na ang salop!

◘◘◘

DATI-RATI ay tahi­mik lang si Dulay, pero napuwersa na siyang magsampa ng libelo at cyberlibel kontra kay Tulfo.

Ito ay batay sa serye ng mga kolum na nailathala sa broadsheet newspaper!

◘◘◘

INAKUSAHAN ni Tulfo sa kanyang column na pinamagatang “My Line of Sight: Conversation between two BIR execs reveals all” si Dulay na mayroong “skeletons in the closet at the graft-ridden agency.”

Sinundan ito ng kolum noong Agosto 8 at pinalalabas na si Dulay ay “insatiable greedy extortionist, a cheat and a corrupt official in president Digong’s government.”

◘◘◘

SA ikatlong kolum noong Aug. 20, nana­wagan si Tulfo ng im­bestigasyon sa korup­siyon laban kay Dulay .

Ayon kay Dulay, ang nasabing mga column ay pawang wa­lang katotohanan at nakasisira ng imahe ng opisyal!

◘◘◘

IDINIIN ni Dulay na, “not only directly pictured me as a corrupt official, an animal, a thief, minion of Satan, greedy bastard” at maging “maliciously portrayed me as a ‘criminal’”.

Humihingi si Du­lay ng danyos na P20 million para sa damages at precautionary hold departure order laban kay Tulfo!

◘◘◘

KAILAN kaya mata­­tapos ang isyung ito?

Hindi kaya maaa­ring aregluhin na lang ito ng Malaca­ñang?

◘◘◘

MAGING si BIR executive Teresita Angeles na inakusahan din ni Tulfo na babae sa likod ng video recording na nagsabing may mala­wakang korupsiyon sa BIR ay lumantad na rin upang itanggi na siya ang nasa video.

Dumarami na ang nadadamay sa isyung ito!

◘◘◘

MAS makabubuti ay pagharapin ni P-Digong ang dalawa niyang ayudante.

Sa tingin natin, la­la­­wak pa ito at maaa­ring madamay ang ad­minis­trasyong Duterte!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page