Subpoena sa witness na mula sa Board of Marine Engineering, legal!

Dear Chief Acosta,
May natanggap akong subpoena upang magbigay-salaysay mula sa Board of Marine Engineer Officers hinggil sa kasong administratibo ng kaibigan kong Marine Engineer. Nais kong malaman kung maaari ba itong gawin ng nasabing Board? — Joan
Dear Joan,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Republic Act (R.A.) No. 8544 o mas kilala sa tawag na “Philippine Merchant Marine Officers Act of 1998”. Nakasaad sa Section10 nito na:
"Powers and Duties of the Board. – The Boards shall exercise the following powers and duties:
◘◘◘
(i) To hear and try administrative cases involving violations of this Act, its Implementing Rules and Regulations, the Code of Ethics for Professional Maritime Officers and for this purpose, to issue subpoena and subpoena duces tecum to secure the appearance of witnesses and the production of documents in connection therewith;”
Ayon sa nasabing batas, may kapangyarihan ang Board na mag-isyu ng subpoena upang imbitahan ang mga partido o ang mga saksi sa kasong administratibo na kanilang iniimbestigahan.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.





Comments