Si Bong Go naman ang ibinoto… sigaw ng netizen: pakikipagbati ni Kris kay Mar, kaplastikan

Nitz Miralles / BIDA

ISA sa magandang nangyari sa commemoration ng death anniversary ni former Senator Benigno S. Aquino ay ang pagbabati nina former DILG Sec. Mar Roxas at Kris Aquino. Dumating si Mar sa Manila Memorial Park at sa harap ng maraming tao, nag-sorry sa kanya si Kris.
Sa kanyang IG Story, ipinost ni Kris ang photo nila ni Mar at sinabing “Kinakapatid ko po si #MarRoxas... Ninang Judy was my baptismal ninang. Nag-sorry ako for our DADS & most especially, for Noy.”
Sa nag-akusang pinlastik lang ni Kris si Mar dahil mas pinili ng TV host-actress na iboto si Bong Go kesa kay Mar, sagot ni Kris, “Puwedeng ‘wag mo ‘kong bastusin sa feed ko? Murahin mo ‘ko sa page mo — that’s your territory, but this happens to be mine.”
“Why not? Life is short,” naman ang sagot ni Kris sa nag-comment na sinamantala niya ang pagkakataon para makipagbati kay Mar.
Marami rin ang natuwa nang lumapit si Mar kay Kris habang nagsasalita ang aktres at nagbeso-beso sila.





Comments