Ulyanin ka na ba? PAKIKIPAG-SEX, EPEKTIB NA PAMPATALAS NG MEMORY
- BULGAR

- Aug 22, 2019
- 2 min read

NAGIGING makalilimutin na ba kayo, momshies at popshies? Ito ay dahil minsan, tumatanda na tayo. Pero puwede ring makalilimutin lang talaga tayo.
Ano nga ba ang solusyon para rito? Alam ba ninyo na base sa pag-aaral, ang mas madalas na pakikipagtalik ay makatutulong para gumanda ang memorya ng tao?
Weh, ‘di nga?
Sa pag-aaral na nai-publish sa Archives of Sexual Behavior, napag-alaman na ang pakikipagtalik, partikular kung medyo tumatanda na ay nakapagpapababa ng tsansa ng memory loss.
Isinagawa ito sa mahigit 6,000 adults na nasa edad 50 pataas kung saan inatasan ang mga ito na gumawa ng memory test, gayundin, sinagot ng mga ito ang katanungan na may kaugnayan sa kanilang diet, kalusugan, sexual activity at kung gaano sila ka-emotionally attached sa kanilang partner.
Pagkalipas ng dalawang taon, muling isinagawa ang parehong memory test. Lumabas sa resulta na ang mga kalahok na sexually active at emotionally attached sa kanilang partner ay mayroong magandang memory performance.
Sa katunayan, ang kaugnayan ng mas madalas na pakikipagtalik at magandang memorya ay natagpuan sa mga mas nakatatandang kalahok.
Ayon sa lead author ng pag-aaral na si Mark Allen ng University of Wollongong sa Australia, intimacy ang nag-i-stimulate sa mga bahagi ng utak na konektado sa memorya kaya mas madaling nakaaalala ang indibidwal.
Ilang pag-aaral ang sumuporta sa naturang resulta. Sa pag-aaral noong 2015 sa Manchester University, napag-alaman na ang mga elderly o nakatatanda na sexually active ay mayroong magandang cognitive function kabilang ang memorya.
Isinagawa ang pag-aaral na ito sa 1,700 katao na nasa edad 58 hanggang 98. Pagkatapos isagawa ang serye ng tests para masukat ang kanilang brain power, na-discover ng mga researcher na ang mga kalahok na madalas makipagtalik ay nakakuha ng mas magandang resulta sa tests kumpara sa mga hindi sexually active.
Samantala, sa isa pang pag-aaral na nai-publish sa Public Library noong 2010, ang sexual activity ay nagpo-promote ng cell growth sa hippocampus, ang bahagi ng utak na mayroong ‘key role’ sa memorya at kung paano naiipon ang kaalaman.
Akalain n’yo ‘yun? Sino ba ang mag-aakala na makatutulong ang pakikipagtalik sa ating memorya?
Kaya sa mga parent at grandparent nating nagiging makalilimutin, alam n’yo na, ha?
Ha-ha-ha!





Comments