Sundalo, sugatan sa bomba
MAGUINDANAO—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang sugatan nang masabugan ito ng bombang itinanim ng mga miyembro umano ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Reina Regente, Datu Piang.
Nakilala ang biktima na si Pfc. Narciso Monreal, nakatalaga sa 57th Infantry Battalion ng PA sa naturang lalawigan.
Nabatid na habang nagpapatrulya ang tropa ng pamahalaan ay biglang sumabog sa dinaanan ni Monreal ang improvised explosive device o IED.
Ginagamot ngayon sa ospital ang biktima, samantalang, tinutugis na ng tropa ng pamahalaan ang mga rebeldeng nagtanim ng bomba sa nasabing lugar.





Comments