Bagong lalaki ng anak, binalaan… DENNIS, IBINULGAR ANG ISINAGOT SA KANYA NI GERALD
- Vinia Vivar
- Aug 22, 2019
- 2 min read

NILINAW ni Dennis Padilla na hindi naman niya binantaan si Gerald Anderson nang sabihan niyang “Pare, anak ko ‘yan,” nang magkausap sila sa telepono.
“Wala, wala (na pagbabanta). Naintindihan naman niya, sabi niya, ‘Siyempre ho, tito, siyempre, anak n’yo ‘yan.’ ‘Yun lang, ni-remind ko lang siya,” sabi ni Dennis sa tsikahan namin sa kanya pagkatapos ng presscon proper ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na comedy film nila nina Andrew E. and Janno Gibbs mula sa Viva Films.
When asked kung boto ba siya kay Gerald para kay Julia if ever, sagot ng komedyante, “Basta ang akin lang, basta huwag lang maaagrabyado ang anak ko. Basta ang importante lang sa akin ay ang kapakanan ng aking anak.”
Natanong din si Dennis kung kumusta na si Julia ngayon at aniya ay okay naman ang anak.
“Okay naman, hindi siya malungkot dahil nga she was busy preparing for the Star Magic Ball, saka ‘yung Olympics nila. Basta ang nasabi ko lang sa kanya, ‘Anak, huwag ka na muna mag-social media, magbakasyon ka.’”
Samantala, aminado si Dennis na nabigla siya noong una niyang nalaman na magbibida ulit silang tatlo nina Janno at Andrew E. sa isang pelikula. Taong 1995 pa raw nang magkasama-sama sila sa Si Mokong, Si Astig at Si Gamol at hindi na nasundan pa.
“Sabi ni Boss Vic, ‘Hindi, kaya n’yo ‘yan.’ Kasi sabi ko kay Boss Vic, for the past 5 years or 7 years, ang role ko, laging tatay ng bidang babae or tatay ng bidang lalaki, laging ganu’n. Tapos ang role ko, laging good father, funny father, laging ganu’n. So, sanay na ako na support. So, nabigla rin ako nu’ng sinabi sa akin ni Janno,” kuwento ni Dennis.
Si Janno raw ang nag-request na magsama-sama silang muli sa isang pelikula kaya thankful din siya sa kaibigan at nilakasan na rin daw niya ang kanyang loob.
Ang SSS ay mula sa direksiyon ni Al Tantay.





Comments