4 bigtime na tulak, timbog
- Pabs Hernandez III
- Aug 22, 2019
- 1 min read
PAMPANGA—Apat na bigtime drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya kamakalawa sa San Fernando City.
Kinilala ang mga suspek na sina Acmali Francisco, Jalal Mauyag, Mohammer Ganda at Michael Evance, pawang nakatira sa Quezon City.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng mahigit 800 gramo ng shabu, markadong pera at baril na kalibre .45 sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.





Comments