top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Tulad sa tao, may katawan din... ANGHEL, LUMALABAS KAPAG KUMIKIDLAT

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 21, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy ng ka­sagutan sa email ni Minthie ng Minthie_Minthie @facebook.com

Sa iyo Minthie,

Noong nakaraang isyu, ibinahagi natin ang katoto­hanang ang mga anghel ay kumakain din ng mga pag­kain ng tao.

Bilang pagbabalik-tanaw sa kuwento ng lola ko, ayon sa kanya, ipinahanda ni Lot ang pagkain ng tatlong anghel at sila ay nagsikain. Ang katotohanan sa kuwentong ito ay mababasa sa Banal na Kasulatan tungkol sa paggunaw ng Sodoma at Gomorra.

Dagdag pa ni lola, ang mga anghel ay may katawan na tulad sa katawan ng tao. Dagdag pa niya, inutusan daw ni God ang anghel para makipagbuno kay Jacob.

Sa pagtakas ni Jacob sa kanyang kapatid dahil siya ay papatayin nito, napunta siya sa lugar na malayo sa bayan. Habang siya ay tumatakbo, biglang may bu­magsak na liwanag sa kanyang harapan at lumabas ang anghel.

Ayon kay lola, sa gulat ni Jacob, bigla siyang tuma­pang dahil pakiramdam niya ng mga oras na ‘yun ay nakataya ang kanyang buhay. Dahil dito, kumilos si Jacob laban sa anghel at sila ay nagpambuno.

Noong panahong ‘yun, ang mga batang lalaki ay tinuturuan nang makipagbuno kaya mahusay dito si Jacob at dahil ang kanyang kalaban ay anghel na may kapangyarihan, hindi malaman kung sino ang panalo sa dalawa dahil ayaw nilang maghiwalay sa paglalaban.

Nang makakuha ng tiyempo si Jacob, hinawakan niya nang mahigpit sa tadyang ang anghel ngunit, ayaw bumitaw nito kahit sa pilit na inaalis ng anghel ang pag­kakahawak sa kanya.

Nagsalita ito at sinabing, “malapit nang sumikat ang Haring Araw, kaya pakawalan mo na ako.” Kahit nakikiusap kay Jacob ang anghel, hindi pa rin niya ito pinakawalan.

Sinabi ng anghel, “bebendisyunan kita kapag pinakawalan mo ako”. Tinanong nito ang pangalan ni Jacob at sinabi ng anghel, “simula ngayon, hindi na Jacob ang iyong pangalan at tatawagin ka nang Israel na ang ibig sabibin, nakipagbuno ka sa akin at ikaw ang nanalo.”

Anu-ano ang makikita nating katotohanan sa kuwento ni lola?

  1. Ang anghel ay may katawan na tulad sa katawan ng tao.

  2. Sa pamamagitan ng kidlat, maaaring lumabas ang anghel.

Sa ganitong katotohanan, maaaring ang bagong kakilala natin ay isang anghel dahil ang anghel at tao ay may parehong katawan. Ga­yundin, kapag kumi­kid­lat, dapat handa tayo dahil posibleng may lumabas na anghel.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page