Pinatulan si kumare habang nasa abroad si kumpare, nagtikiman nang paulit-ulit bago na-guilty
- BULGAR

- Aug 21, 2019
- 3 min read

KATANUNGAN
May kumare ako na tawagin na lang natin sa pangalang Lilian, mas bata siya sa akin ng limang taon at hindi ko alam na kaya pala niya ako kinuhang ninong sa panganay nilang anak ay dahil may lihim pala siyang gusto sa akin. Sa ngayon, nasa abroad si kumpare at dahil wala ang kanyang mister, doon na nagsimula ang lihim naming relasyon. Inamin niyang noon pa raw niya ako gusto kaysa sa kasalukuyan niyang asawa, kaya lang daw nauna akong mag-asawa kaysa sa kanya at hindi ko raw siya niligawan noong mga binata at dalaga pa kami.
Noong bago pa lang ang relasyon namin ay regular at madalas kaming nagtatagpo nang palihim at regular ding may nangyayari sa amin. Pero, ngayon ay umiiwas na ako kasi natatakot din ako sa ginagawa namin.
Kaya lang, nang mapansin niyang umiiwas na ako, may sinabi siya sa akin na hindi ko makalimutan, bahala raw ako kapag nabisto kami ng mister niya at misis ko.
Magkasundo rin kasi sila ng misis ko at madalas na nagkukuwentuhan kaya kinakabahan ako dahil ayaw kong masira ang aming pamilya.
Ano sa palagay ninyo, Maestro, kung tuluyan ko ng iwasan ang babaeng ito, isusumbong kaya niya ang lihim naming relasyon at baka ito pa ang maging dahilan para magkahiwalay kami ng misis ko at masira ang aming pamilya?
KASAGUTAN
‘Yan ang masaklap, Mar, gagawa-gawa ka ng kasalanan, pero ngayon ay natatakot ka sa magiging resulta.
Sabagay, talagang ganu’n ang mga “good boy” kapag nakagawa ng kasalanan o pagkakamali dahil hindi sila sanay sa kanilang ginawa, madali silang natatakot.
Gayunman, huwag kang masyadong matakot at kabahan dahil bagama’t, may malinaw na Guhit ng Pambababae (Drawing A. at B. I-I arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, ito ay hindi naman gaanong umusad at nagtagumpay, sa halip, matapos lumagpas sa Life Line (L-L arrow b.), kaagad ding nawala ang nasabing Guhit ng Pambababae (arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na bagama’t, nagawa mong mambabae ito ay maiiwasan mo rin naman dahil tulad ng nasabi na, likas pa rin sa iyong puso at pagkatao ang pagiging mabuting nilalang at ang ikinaganda nito dahil likas ka ngang takot gumawa ng kasalanan, tunay ngang sa susunod kung may pagkakataon mang muli na mambabae ka, ito ay hindi mo na susunggaban kung saan ang pag-aanalisang minsan lang kakatok sa iyong karanasan ang pagkakasala o pambababae, pero hindi na muling mauulit pa ay madali namang kinumpirma ng malinaw, makapal at kaisa-isang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow d.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na anuman ang mangyari sa ginagawa mong pambababae ngayon, lubhang mapalad ka pa rin dahil tulad ng nasabi na, ang lahat ng ‘yan sa dakong huli ay lilipas din hanggang sa maluwalhati mong malusutan ang minsang pambababae na iyong ginawa ay mauuwi na sa isa sa mga masasarap, pero makasalanang bahid ng alaala sa iyong isipan.
MGA DAPAT GAWIN
Habang ayon sa iyong mga datos, Mar, nakatakda na ang magaganap habang unti-unti mong iniiwasan ang iyong kumare kusa nang papabor sa iyo ang kapalaran, pagdating ni kumpare o ng kanyang mister mula sa abroad, ganap na ring huhupa ang pagnanasa ninyo sa isa’t isa.
Sa sandaling humupa ang libido, tuluy-tuloy na ring mabubura ang interes ninyo sa isa’t isa hanggang sa hindi na maulit pa ang inyong lihim na pagtatagpo at pagkikita, mabilis ang magaganap dahil hindi na kayo nagkikita, sa bandang huli, magkakalimutan na rin kayong dalawa at maluwalhati ka nang makaagmu-move on at makababalik bilang tapat na asawa, mabuti at ulirang ama.




Comments