top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

May dengue na, may leptospirosis pa

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 21, 2019
1 min read

Bukod sa dengue, dapat ding mag-ingat sa leptospirosis.

Ito ay impeksiyong sanhi ng bakteryang nagmumula sa ihi ng hayop tulad ng daga na kadalasang nakukuha sa tubig-baha.

Ilan sa mga sintomas ng sakit ang pagkakaroon ng lagnat, panginginig, pananakit ng kasu-kasuan, pamumula ng mga mata, hirap sa pag-ihi at paninilaw ng balat matapos lumusong sa baha.

Kaugnay nito, binuksan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Lungsod ng Quezon ang gym nito para gawing ward dahil sa pagdami ng mga pasyenteng may leptospirosis.

Karamihan sa kanila ay galing sa Taguig habang meron din mula sa Maynila, Caloocan at lalawigan ng Cavite.

Sa ngayon, 28 ang naka-confine sa nasabing gym na kinonvert muna bilang ward para sa leptospirosis patients.

Samantala, sa datos ng Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Hulyo, pumalo sa 916 ang kaso ng leptospirosis sa bansa.

Higit 300 sa mga ito ang nasa National Capital Region (NCR) at higit 100 naman ang namatay.

Ito ang dahilan kaya laging pinaaalalahanan ang publiko na maglinis ng kapaligiran.

Taun-taon namang dumarating ang tag-ulan, dapat matuto na tayong maghanda at hindi kung kailan huli na.

At dahil narito na naman tayo sa mismong sitwasyon, doble-kayod na ang kailangan mula sa paglilinis hanggang sa pakikipagtulungan sa mga ahensiya ng gobyerno para malampasan o maiwasan ang mga nauusong sakit.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page