Horoscope | Agosto 21, 2019 (Miyerkules)

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 21, 2019 (Miyerkules): Marami ang magsasamantala sa iyong kakaibang kabaitan, pero ito rin ang dahilan kung bakit mas mapalad ka kaysa sa mga pangkaraniwan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka ngayon ng iyong damdamin kahit tutol ang iyong isip dahil hindi ito mananaig. Ang minsan ng nandaya sa iyo ay hahayaan mong muli kang maisahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-13-24-29-31.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mabalisa ng dahil sa mga problema. Handang umalalay sa iyo ang langit dahil ikaw ay nakitang may magandang kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-16-24-28-30-35-42.
GEMINI (May 21- June 20) - Ang munting kabiguan ay aakalain mong malaking bagay. Ang tutukan mo ay ang malalaking oportunidad kung saan nag-aabang sa iyo ang kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-27-39-40-41-44.
CANCER (June 21- July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Maging masinop ka sa biyayang mapasasaiyo. Huwag kang tumulad sa iba na inubos lang ang suwerte sa walang kabuluhang pagsasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-18-21-24-38-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gumawa ka ng kabaitan ngayon at tatanggap ka ng malalaking pagpapala. Hindi mahalaga kung kakilala mo o hindi ang gagawan mo ng kabutihan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-21-25-38-42-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahina ka ngayon, malabong masimulan mo ang mga gusto mong proyektong magpapaunlad sa buhay mo. Ang kailangan mo ay ang matalik mong kaibigan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-21-24-34-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang susuko, ituloy mo ang iyong laban. Hindi mananalo sa iyo ang mga karibal mo, sa biglang tingin lang sila malakas, pero mas mahina sila kaysa sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-25-30-33-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kumikilos ang iyong kapalaran at inaayos ang mga mali sa buhay mo. Sa pagsasaayos, maaaring akalain mo na hindi umaayon sa mga kagustuhan mo ang takbo ng mga pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-18-20-26-31-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maghinay-hinay ka lang! Hindi ngayon ang mabilisang pagsugod at ang pagpapakita ng lakas ng loob. Muli, maghinay-hinay ka lang! Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-29-30-36-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pahinga ang kailangan ng iyong katawan at isipan. Mas magandang mamasyal ka sa mga tanawing nakapagpapaganda ng pakiramdam. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-15-17-22-25-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mong makaporma ang mga karibal at kalaban mo. Huwag kang mabahala dahil sa huli ay aani sila ng masaklap na kahihiyan at kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-14-26-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Hindi man malaki at marami ang mapasasaiyo, sapat pa rin ito para masabi mong ikaw ay pinahahalagahan ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-15-21-24-34.




Comments