May sariling mobile app na… P10 MILYON, BAYAD SA PAGGAMIT SA NAME NI WILLIE


IBANG klase talaga ang Wowowin host na si Willie Revillame!
We heard from a very reliable source na pangalan lang ni Kuya Wil na ginamit sa kanyang mobile app na Will Play, binayaran na ng P10 million!
Yes, you heard it right! Recently lang nag-sign ng kontrata si Kuya Wil sa Singapore para sa bago niyang mobile app na Will Play na soon ay puwede nang i-download ng mga fans and followers ng TV host.
So, kapag marami nang tumangkilik sa naturang mobile app, iba pang kabayaran ‘yun kay Kuya Wil! Ang bongga, ‘di ba?!
Kaya ‘wag na tayong magtaka kung bakit ‘di nauubos ang pera ng Wowowin host kahit panay ang patayo niya ng mga hotels at resort, hehehe!





Comments