top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Keri mo raw maging superhero, lodi! NANAGINIP NA LUMILIPAD; PAALALA NA LABANAN ANG KATAMARAN PARA UM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2019
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Labor ng Labor_Raymond@face-book.com

Dear Professor,

Nanaginip ako na ang taas-taas ng lipad ko. Tapos, may tinulu­ngan akong tao, binuhat ko siya tapos, inilagay ko siya sa ligtas na lugar. Lipad lang ako nang li­pad at walang nakaka­hawak sa akin at naka­kapigil.

Ano ang ibig sabihin nito?

Naghihintay,

Labor

Sa iyo Labor,

Ang sabi ng panagi­nip, totoo ang kasabihang “there is a hero within” sa bawat tao.

Kaya minsan sa tunay na buhay, ang mga tao ay pang­karaniwan at ang mga “hero” o superhero” ay mga kat­hang-isip lang. Pero, sa mun­do ng pana­ginip, ang lahat ay puwe­deng maging super­hero tulad mo.

Alam mo, puwedeng-pu­wedeng maging ga­nu’n ang tao, ito ay kung maga­gawa niya na pag-isahin ang kanyang kata­wan, kaluluwa at espiritu.

Sa ngayon, malabo ito sa reyalidad, pero dara­ting ang panahong, ang tao ay posible ng makali­pad, sobrang lakas at very powerful.

Ayon sa panaginip, ka­pag napag-isa mo ang iyong sarili sa iisang la­yunin, mag­tatagumpay ka sa buhay mo, kumbaga, ang simpleng ka­hulugan ng panaginip ay magka­karoon ka ng very suc­cess­ful life kapag talagang ginusto mo.

Sa ngayon, hanggang sa isip pa lang ito at nag­hihintay lang ng dating at lisan ng iyong kapalaran. Pero, maki­kitang ang mga pangarap mo ay ma­lalaki, as in, dakilang mga pa­ngarap.

Kaya, labanan mo ang katamaran, takot at pag-a­alala na mabibigo ka, ga­yundin, ang mga negati­bong sasabihin sa iyo ng tao.

Lumaban ka at maka­aasa ka na lilitaw ang iyong ka­kaibang galing at hu­say.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page