top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Agosto 20, 2019 (Martes)

Maestro Honorio Ong
Aug 20, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 20, 2019 (Martes): Mapalad ka dahil hindi ka pababa­yaan ng iyong kapalaran. Pansamantala lang ang pananatili mo sa hindi ga­anong kagandahang ka­lagayan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Suwerte ka ngayon at ang suwerte mo ay puwedeng magsilbing bin­hi na mamumunga ng marami pang maga­gan­dang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran sa araw na ito. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-29-30-33-37-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sasaya ka ka­hit pa niyaya­kap mo ang lungkot. Sa huli, ang ka­lungkutan ay aalisin sa iyo ng langit at papalitan ng masasayang kagana­pan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-21-24-32.

GEMINI (May 21- June 20) - Kumilos ka na parang nasa iyo na ang gus­to mo nang sa gayun ay sumaya ka kahit papa­ano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-13-18-20-24-33.

CANCER (June 21- July 22) - Muli, ibi­nalik sa iyo ang mga araw na ikaw ay buwenas. Wa­lang sinuman ang puwe­deng humadlang sa pag­da­ting sa iyo ng maga­gan­dang kapalaran. Mag­pa­salamat ka sa nasa itaas. Masuwer­teng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-28-30-31-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Para sa iyo ang araw na ito. Maga­gawa mo kung ano ang nais mo. Ang si­nu­mang magtangka na sirain ang diskarte mo ay langit mismo ang maka­ba­bangga. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-16-25-28-36.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng harot ang bu­hay mo. Mahi­rap maunawaan na sa bu­hay ng tao ay may maha­la­gang kailangan at ito ay ang pangingiliti ng kapa­laran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-18-20-23-31-38-44.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ihaharap sa iyo ng langit ang taong pu­wedeng magpasaya sa bu­hay mo, pero kung sasa­bihin mong masaya ka, mawawala rin siya. Dapat maging tapat ka sa sarili mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-12-29-30-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong magsuot ng luma kahit nasa bahay ka lang, ito ang iyong pinakamala­kas na pampabuwenas. Muli, hu­wag kang magsuot ng luma. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-14-15-26-35-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Naantala ang tuwa mo dahil hindi ka kaagad napagbigyan. Hu­wag kang magtampo da­hil makukuha mo pa rin kung ano ang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-24-33-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nasa ma­la­pit, sila ang aalalay sa iyo. Ang mga nasa malayo ay mga paasa lang kung saan pagbibig­yan ka nila, pero may ka­palit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­wer­teng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-26-31-32-38

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit mag-isa ka, magsaya ka! Dati mo na itong gina­gawa, kaya naglalapitan sa buhay mo ang maga­gandang bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng ku­lay-black. Tips sa lotto-15-16-25-29-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumabas ka ng bahay kahit sandali lang, mahirap paniwalaan, pero kapag ginawa mo ito ay may suwerteng darating sa buhay mo. Muli, luma­bas ka ng bahay kahit ilang sandali lang. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-20-25-36-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page