top of page
BULGARY - JULIA, ‘DI TOTOONG BUNTIS, BALIK-SERYE-IG _montesjulia08.jpg

'Di raw takot sa bakla... VICE, IBINULGAR NA NIYAYAYA NI VHONG SA CR

  • Vinia Vivar
  • Aug 20, 2019
  • 2 min read

MAGING si Vice Ganda ay nagbigay na rin ng kanyang opinyon hinggil sa lumalaking concern sa paggamit ng comfort room ng LGBTQ+ (Lesbians, Gays, Bisexuals, Transgender, Queer) members at kung dapat ba o hindi rin na maglagay ng separate public toilets para sa mga ito.

Ayon kay Vice, kung dati raw, kapag tinatanong siya kung dapat bang may sariling CR ang LGBTQ+, ang isina­sagot niya ay “hindi.”

Kasi, hindi naman issue riyan kung saan ka papasok, for as long as marunong tayong rumespeto ng kapwa. Hindi magi­ging issue kung saan tayo papasok.

“Pero since issue siya, parang nag-iisip ako, parang dapat yata, may CR ang mga LGBT. Kasi, ‘pag pumasok kami sa CR ng lalaki, ‘yung mga lalaki, hindi komportable. At ‘pag hindi komportable ‘yung lalaki, hindi rin kami kompor­table.

“So, hindi na lang kami magsi-CR, o kaya, ‘yung lalaki, hindi na lang papasok dahil may bakla o transgender doon sa CR nila,” sabi ni Vice.

Ganun din daw sa mga babae na kapag may pumasok na bakla or transgender sa CR, hindi rin daw komportable ang mga ito.

“At kaming LGBT, hindi kami komportable na hindi sila komportable, so, isa sa amin, mag-a-adjust, hindi na lang papasok,” sey pa ni Vice.

Kaya nga aniya, huwag na raw ipilit kung hindi kompor­table ang isa’t isa at maglagay na lang ng sariling toilet para sa LGBTQ+.

Bakit hindi n’yo na lang bigyan ng sariling CR ang LGBT, para may safe place? If men feel that they are unsafe, if women feel unsafe, and the LGBT community feels unsafe, then create a safe place for everyone.

“Kaya nananawagan ako sa gobyerno, create a safe place for everyone. Kung hindi kami matatanggap, bigyan n’yo kami ng sariling CR. Gusto lang po naming umihi at dumumi. ‘Yun lang ‘yun,” pahayag ni Vice sa It’s Showtime.

Tinanong din ng Unkabogable Star sina Anne Curtis at Vhong Navarro kung hindi ba komportable ang mga ito kapag may nakitang miyembro ng LGBTQ+ sa CR, at parehong sagot ng dalawa ay okay lang sa kanila.

Wala namang problema. Kasi, hindi naman ako takot sa bakla, eh. Marami akong kaibigan na bakla, so, inirerespeto ko kung saan siya magsi-CR,” sey ni Vhong.

Sagot naman ni Vice, “At saka ini-invite niya nga ako ‘pag nagsi-CR siya, eh. Ganu’n si Vhong kakomportable sa amin.”

Sabi naman ni Anne, halimbawang may transwoman na pumasok sa CR, okay lang sa kanya dahil babae raw ang tingin niya rito.

“Kaya okay lang sa akin. Hindi ako natatakot, hindi ako nako-conscious, kasi never papasok sa isip ko na ‘Baka silipan ako nito’ or baka may gawing masama,” sabi ni Anne.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page