Akala mo lang, walang ibubuga... MGA TAONG MAHIYAIN, MATATALINO!
- BULGAR
- Aug 20, 2019
- 1 min read

ANG pagiging mahiyain ay madalas nakaaapekto sa mga oportunidad na dumarating sa ating buhay. Madalas, dahil sa hiya, eh, nawawala ang bagay na para dapat sa atin at nakukuha ng ibang mas malakas ang loob.
Nakalulungkot, ‘di ba? Pero, knows ba ninyo na ang mga tao raw na mahiyain ay matatalino at mapagkakatiwalaan? Weh, ‘di nga?
Ayon sa mga psychologist, madaling sabihin na ang mga taong bibo o malalakas ang loob ay matatalino, pero kung tutuusin, ang mga tahimik ay mas creative at maraming naiisip na makabuluhang bagay. ‘Ika nga, perfect example sila ng mga taong “talk less”, pero “most brainpower”.
Gayunman, ang mga taong mahiyain ay posibleng nabibilang sa mga introvert kung saan kaya mas sinasabing matalino sila ay dahil mas madali silang nakapagpo-focus at natututo kaysa makipag-socialize sa ibang tao.
Hindi natin maikakaila na may mga kaklase o katrabaho tayong kahit mahiyain, eh, may maibubuga, ‘di ba?
Samantala, ang payo ng psychologist na si Shara Joshi, kung employer at naghahanap ka ng empleyado na tutulong sa iyo para mapatakbo mo ang iyong kumpanya, make sure na kukuha ka rin ng mga mahiyain dahil kahit tahimik sila, eh, marami silang ideya na maibibigay na makatutulong talaga.
Kaya kung mahiyain ka, besh, oks lang ‘yan, pero kung kailangan mong mag-improve, lalo na kung feeling mo, eh, may kulang, nasa sa iyo na ‘yan.
Okidoki?
Comments