top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

After maudlot ang MMFF movie… KRIS, NAGMAKAAWA KAY LOLIT MABIGYAN LANG NG SERYE SA SIYETE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

MATAPOS ma-disqualify sa Metro Manila Film Festival 2019 ang comeback movie niyang K(Ampon) dahil nahuli itong magsumite na magpapalit sila ng leading man, may panawagan naman si Kris Aquino sa veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis.

Sa isang Instagram post ni Manay Lolit hinggil sa usapin ng MMFF movie ni Kris, nag-comment dito si Kris at sinabi ang ginagawa niya para makalimutan ang nangyaring pagka-disqualify at ang nasayang na ginawa niyang promotion para sa movie nila.

Ayon kay Kris, “Chill na chill ako ‘Nay. Life is good, Aug. 20 I’ll take the kids on a beach break para hindi ko na lang maisip ang 1st shooting day... sayang lang ‘yung 4.4 million views na on FB nu’ng pag-visit kay Gabby.”

Sa puntong ito, nakiusap si Kris kung puwede ba siyang pagbigyan na magkaroon ng teleserye sa GMA Network.

“Maybe kagaya ng pag-negotiate mo for me ng Star Talk before, you can negotiate w/ @gmanetwork a teleserye, same slot as Ika-6 Na Utos na super-sinubaybayan namin? #faith,” ang pahayag ng aktres.

Maraming netizens ang nag-request na sana ay i-manage na lang ulit ni Lolit si Kris para magkaroon ito ng soap sa GMA Tele­­ba­bad, kung saan puwede pa niyang ma­katambal si Gabby Concepcion ngayong naudlot nga ang horror movie na pagsasa­ma­han dapat nila.

May ilan ding nagpahayag na miss na nilang mapanood ang Queen of All Media sa telebisyon. Puwede rin daw subukin ni Kris ang natitirang pitong StarStruck hopefuls at sumalang ito sa artista test ng reality talent competition.

Ipinagtanggol din si Kris ng mga loyal supporters niya at sinabing walang masama sa ginawa ng aktres na makiusap na ma­ha­napan siya ng trabaho dahil naudlot nga ang dapat na comeback movie niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page