top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | October 19, 2023


ree

Tuloy ang ligaya between Kris Aquino and Batangas Vice-Governor Marc Leviste. ‘Yan ang latest revelation ni Kris sa kanyang Instagram post kahapon.


Last time, isinulat namin ang pagbubunyag ng netizen sa kanyang comment-post sa Instagram ni Marc na nakatakdang bumisita muli kay Kris sa Amerika ang pulitiko.


True pala ang sinabi nu’ng netizen na pupunta si Marc sa US. At sa latest IG post ni Kris, na-reveal na nagkita at nagkausap na ang ex-lovers… or should we say lovers again?


Nangyari ang pagkakaayos nina Kris at Marc sa pagbisita ni Kim Chiu sa mommy nina Joshua at Bimby sa US.


Ipinost ni Kris sa kanyang IG account ang video ng pagdating ni Kim sa bahay niya sa US.


Caption ni Kris: “All I can say is I love you, I super appreciate your effort to visit, and even if it was a gloomy day, you were the much needed reminder that after all the storms, we can look forward to a RAINBOW... I've missed you, as in SUPER. 50% less 'yung sakit nu'ng biological injectable ko at 1 PM after seeing you, please visit again & often? 'Di ba may bedroom ka na?


Thank you for until now (16 years & counting) genuinely caring for & trusting me; super sad your ka-birthday because he arrived 10 mins. after you left.”


Ang tinutukoy ni Kris na “ka-birthday” ni Kim ay ang bunsong anak niya na si Bimby.


Parehong April 19 ang birthday ng dalawa.


Pagpapatuloy ng caption ni Kris, “Videographer & the person Kimmy's ate contacted to coordinate was Vice-Gov @markleviste- we've both learned from our mistakes... with God's help sana tuluy-tuloy na 'yung harmonious and supportive relationship namin. Thank you Bimb for helping us realize all the things we needed to repair in order to strengthen our commitment.”


Now we know na ang wala pang girlfriend (as far as we know, ha?) na si Bimby ang nagpa-realize kay Kris ng mga bagay-bagay tungkol sa kung paanong mas palalakasin pa ang relasyon nina Kris at Marc.


Definitely, may malaking bahagi talaga sa pagbabalikan nina Kris at Marc ang kanilang mga anak.


Kalat naman sa socmed na close sina Bimby at Joshua sa mga anak ni Marc.


Samantala, sa last paragraph ng caption ni Kris, isiniwalat niya ang pagbuti ng kanyang kalusugan.


“Thank you to all of you who are praying for me, slowly gumaganda my numbers. That's because of the power of our collective prayers. God's rewarding our #faith. Roughly 15 more months of treatment, but I'm alive and hopeful; tuloy ang LABAN, bawal sumuko. #grateful,” mensahe pa ni Kris.


Nag-post ng comment si Kim sa ipinost ni Kris, “I love you so much ate, so so much.


Ngayon alam ko na saan ako mag-message. Thank you so much to Sir @markleviste for reaching out. Super happy ako. Happy ako to talk and see you ate after so many years. Love u ate. @krisaquino”


Everybody happy, yey!


 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 03, 2023


ree

Kung walang pagbabago ay makakabalik na ng Pilipinas si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Joshua at Bimby, base sa latest post ng aktres-TV host kahapon sa Instagram account niya.


Nabanggit pa nito na miss na miss na niya ang kanyang mga ate, pinsan, kaibigan at iba pa kaya naman abut-abot ang pasasalamat ni Kris sa lahat ng nanalangin sa kanyang agarang paggaling.


Ang caption ni Kris sa larawang ipinost niyang kinukunan siya ng dugo: “THANK YOU for your continued PRAYERS, I don’t have my complete blood panel results yet BUT GUMANDA my inflammatory numbers in particular my C-reactive protein and my E-sedimentation rate.


Hopefully in the next few days I’ll have my IgE, IgG, IgM and ANA results. (As usual, please google?)


“'Wag na natin discuss my CBC, as always I’m still very anemic (it’s been a problem even before my autoimmune conditions were diagnosed), I don’t know what good I did but I know I’m surviving all the side effects of methotrexate and my biological injectable because God is listening to all your prayers for my healing. #faith

“Praying more that in 18 to 20 months I’ll reach remission and after 6 months I’ll have my doctors’ clearances and we can go home. I miss my sisters, my cousins, my (Philippine flag emoji) doctors, my close friends, and of course all of you… It’s already been 16 months.

“We’re already settled in our rental home - location wise, this is my long wished for vibe - we have a pool in the back with an unobstructed view of the blue sea and with this super fresh, cool sea breeze plus we’re only 10 minutes away from 1 of my doctors.”


Samantala, ipinagdiinan din ni Kris na wala siyang karelasyon ngayon at hindi na sila nagkakausap ni Batangas Vice-Governor Marc Leviste.

“P.S. my sisters urged me to make my current status very CLEAR. I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and I feel more PEACEFUL. No details because I value my privacy and respect his, and I chose to only give the FACTS that should be addressed.

“Again, THANK YOU for your compassion to keep me & my family in your thoughts and prayers.”


Marami namang naging kasamahan at kaibigan ni Kris sa mga naging programa niya sa Kapamilya Network ang natuwa at nagpapasalamat sa magandang balita niya at patuloy pa rin silang nananalangin para sa TV host.


ree

Maraming reklamo ang staff ni Bea Alonzo sa pelikulang 1521: The Quest for Love and Freedom na kinunan sa Palawan.


Binanggit ito ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi at Tita Jegs na Showbiz Update kamakailan at dahil dito ay baka raw hindi i-promote ng aktres ang pelikula na ipapalabas na rito sa Pilipinas sa Nobyembre.


Kaya naman, isa-isang sinagot ng TEAM 1521 ang mga reklamo ng staff ni Bea na si Ms. Andrea Hernandez Trinidad.


Heto ang sagot nila in response to Bea’s issues:


"Issue 1: Hotel room ng Bea team, hindi sinagot ng producer ng 1521

Producer's response: Ang hotel room ni Bea and ng staff niya, nakasama sa contract at binayaran ng producer. Si Bea, nagdala ng dagdag na staff which is not in the signed contract, so, hindi sinagot ng producer.


Issue 2: Aircon tent, ilang araw na lang bago matapos ang pelikulang 1521

Producer's response: Aircon tent was delayed first 3 days of shoot lang due to the delay sa Manila port in transporting it. (Beyond the producer's control.) We have rental receipts of actual days of aircon rental to prove na hindi tama na last few days na lang ng shoot dumating ang AC tent.

Issue 3: Director, injured, kulang nag-a-assist.


Producer's response: Other crew and cast have written statements that the set is safe. Accidents happen. Ang director, nadulas dahil nagse-selfie-selfie siya during break time at hindi during shooting.


Issue 4: Costume ni Bea, siya ang nagpagawa.


Producer's response: Producer ang nagpagawa ng costume. Bea, hindi sumipot sa fitting sked ng production before shoot. Later on, she wants to redesign the costume according to her style and wants her own tailor to do it and refused to have it fixed by production design contracted tailor.


So, she ended up paying for the repair herself since she refused the services of the production tailor.


Issue 5: Itak na ginamit, totoo.


Producer's response: Kahoy ang itak na ginamit sa fight scenes, hindi live kampilan. Hindi talent ang nahiwa kundi art dept who is in charge of safekeeping and transporting live swords for still photos not fight scenes


Issue 6: Hindi bayad ang mga talents, dancers, no payment for service but promised picture with Bea.


Producer's response: All talents are paid, we have payroll receipts from all talents. Dancers volunteered their free talent because they believed in the mission of 1521. They offered their services for free. No promise of compensation or picture taking with Bea.


Issue 7: Hotel rooms, de-tabo, no shower.


Producer's response: Walang hotel room na de-tabo. The hotels and accommodations in Palawan used for talents and crew all have shower and even swimming pools. Bea stayed at high-end Panja hotel and American director and actors at high-end Hue Hotel.


Issue 8: Light at camera provided by director, putchu-putchu.


Producer's response: We have receipts to prove that producer bought his own camera and lights as well as rented from Manila companies. Director brought some also, but production also bought his and rented some.


Issue 9: Walang tubig na mainom ang talent, si Bea pa ang nagpa-merienda & patubig.

Producer's response: We have daily receipts to prove that water, drinks, and merienda were provided. Many times, producer himself bought them, but Bea offered some but it’s not true that she’s the only one providing those.


Issue 10: Walang service ang talent, naglalakad, paying sa hotel.


Producer's response: Production hired 4-6 vans. We have log in book and receipts to prove this.

Issue 11: Maraming pangako kay Bea na hindi tinupad.


Producer's response: Everything that producer agreed to in contract with Bea, he fulfilled. Bea has unreasonable demands and expectations not stated in the contract that producer did not accommodate because it’s not agreed upon and unreasonable.

"It is important to note that: The biggest star on the set of 1521 is Hollywood icon Danny “Machete” Trejo. Kahit isang reklamo, wala. Yet, he is a Hollywood global star unlike anyone else. But loves the producer and remained good friends with Francis Ho, attended red carpet of 1521 in Los Angeles last June 12, 2023. Danny has been promoting the movie big time in his social media.”


Sa kasalukuyan ay nasa Amerika pa ang Fil-Am producer ng 1521 na si Francis Lara Ho at nakatakdang dumating ng bansa para sa premiere night ng pelikula.


Anyway, bukas naman ang BULGAR sa panig ng kampo ni Bea Alonzo tungkol sa isyung ito.



 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | August 11, 2023


ree

Good news para sa mga nag-aabang ng update sa health condition ni Kris Aquino.


Sa kanyang Instagram post kahapon ay ibinalita ng Queen of All Media na nagkaroon ng improvement sa kanyang kalusugan.


Batay sa mga larawang ipinost ni Kris sa kanyang Instagram, nakakatuwang makita na medyo bumuti na ang katawan nito, suot ang color purple na mala-Barbie-inspired sports outfit.


Caption ni Kris, “Thank you because our prayers are being answered — my last blood panel showed improvement — it's slow progress, I have a long way to go... it's likely that after a few months, another medication will be introduced to my body by UCLA's Dr. Belperio — BUT I AM, against all odds (because of all my limitations with medicinal options), FINALLY, ON THE CORRECT PATH TO REMISSION and A BETTER QUALITY OF LIFE. Thank you to all. THANK YOU, GOD. #faith


Sa latest medical test/checkup ni Kris ay inalala niya ang mga araw ng kamatayan ng kanyang mga magulang na sina former Senator Benigno “Ninoy” Aquino at President Cory Aquino.


“I chose the midpoint between my mom's 14th death anniversary and my dad's upcoming 40th death anniversary to THANK ALL OF YOU who continue to PRAY for my recovery.


“My dad immediately died after being shot while descending the stairs to the tarmac of what was then Manila International Airport, 21 August 1983. My mom died of stage 4 colon cancer on 1 August 2009.


“Upon initial diagnosis, our mom was given 3 months BUT she fought hard, knowing her 5 kids weren’t ready. Our mom underwent all the most painful treatments and God granted us 17 more months. It's been 17 months since my Churg Strauss/EGPA diagnosis,” lahad ni Kris.


Kuwento pa ng Queen of All Media, tinawag daw siyang “badass” ng kanyang attending physician na si Dr. Malika Gupta.


“Because kinakaya ko even though malapot at mahapdi ‘yung ini-inject at malalim. Kailangan ibaon ‘yung pre-filled high-tech syringe.


“Yes, matapang na 'ko sa halos lahat ng kailangang pagdaanan at mataas ang pain tolerance ko.


It's the AFTERMATH, 72 hours feeling kagaya nu’ng bigat after a COVID vaccine but x3.


“Yes, parang 3X akong na-Pfizer or Moderna. This will be every other week, optimistically for me to reach “remission” over the next 10 to 12 months,” ani Kris.


Every other Tuesday daw siya tinuturukan ng both her biological injectable, PLUS methotrexate na ayon kay Kris ay “My chemotherapy medication taken 1x/week, being used as an immunosuppressant to help me reach remission for 3 of my autoimmune conditions.”


Sa last part ng kanyang caption ay may paglilinaw pa si Kris, “Clarification: autoimmune disorders have NO CURE, but life-threatening damage on the patient's organs can be prevented or managed if diagnosed early and/or given the proper treatment.”


Based sa series of photos na ipinost ni Kris sa IG kahapon ay makikita na kasama niya sa ospital ang kanyang bunsong anak na si Bimby, ang ever loyal assistant na si Alvin Gagui at ang kanyang ex-boyfriend na si Batangas Vice-Governor Marc Leviste.


Kinilig ang mga netizens sa ipinost na comment ni Marc sa latest IG post ni Kris. But definitely not happening now ang balikan ng dalawa, kasi sa separate post sa IG ni Marc ay sinabi nitong nakauwi na siya sa Pilipinas.


Malamang na ang mga ipinost na larawan ni Kris ay nu’ng bago pa umalis si Marc sa US.


At ngayon lang siguro nagkaroon ng time ang Queen of All Media na magbigay ng update regarding sa result ng kanyang blood tests.


Anyway, heto ang mensahe ni Marc kay Kris, “Kids and I will always be by your side... for better or worse, for richer or poorer, in sickness and in health, to love and to cherish FOREVER.”


Dahil diyan, kilig much ang mga netizens kay Marc.


“@markleviste Grabe, nakakakilig naman kayong dalawa!”


“@markleviste Sana, may ganito rin na lalaki sa akin, kung mag-alaga ay wagas. Hayyys, when kaya? Sana po, madami pang lalaki tulad n’yo, VG Marc!”


‘Yun, oh!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page