top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nabulaga siya! KABIT NG SIKAT NA AKTOR-PULITIKO, SINUGOD NG MISIS NA MAY DALANG SHOTGUN, MISTER BINA

  • Erlinda Rapadas T.
  • Aug 19, 2019
  • 1 min read

BLIND ITEM:

KILALANG playboy at maraming chicks ang isang male celebrity na dekada na ang itinagal sa showbiz. Ak­tibo at napapanood pa rin siya sa tele­bisyon at popular din siyang poli­tician.

Malayung-malayo na ang narating ng career ng male celebrity at hindi ma­kapaniwala ang kanyang mga kaibigan na magiging “good boy” na siya at ideal husband and father to his kids.

Noong medyo bata-bata pa kasi ang male celebrity ay matinik ito sa chicks. Siya ang hinahabol ng mga babae dahil may kakaiba siyang sense of humor.

Napakabait at respetado rin ang napangasawa ng male celebrity na nasa mundo rin ng showbiz. Hindi makabasag-pinggan at soft-spoken ang sikat na pretty wifey ni male celebrity.

Ito ang tipong hindi mang-aaway at mag-iiskan­dalo kapag nagloko ang mister. Martyr type ang wifey kaya nagulantang ang lahat nang minsang nabalitaan niyang may “girlash” ang kanyang mister na isa ring aktres.

Shocked ang mga kai­bigan ng male celebrity dahil sumugod ang mabait na wifey sa tagpuan nila ng kan­yang kalukadidang. May da­lang shotgun si wifey at bi­nigyan ng ultimatum si male celebrity. Mula noon, behave at stick to one na si male celeb.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page