Mangga raw ang pinaglilihian…PINAGPIPISTAHAN NG MGA NETIZENS: ANNE, BUNTIS

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

MARAMING madlang pipol ang naghihinalang buntis na ang aktres-TV host na si Anne Curtis dahil sa ginawa nito sa It’s Showtime.
Sa KapareWho segment noong Sabado (August 17), huling-huli kasi ang aktres na kumuha at kumain ng hilaw na mangga, na paboritong paglihian ng mga buntis.
Nakita naman ni Vhong ang ginawa ni Anne kaya biniro niya ito.
Ani Vhong, “Para-paraan ka, Anne, ha? May nangyayari na rito, kumuha ka pa ng mangga.”
Komento ng mga netizens:
“Naglilihi na ata si Anne. Hahaha.”
“I think Anne is pregnant!”
“OMG this is it! Feeling ko, preggy na si Anne.”
“Is Anne pregnant na po? Naglilihi na sa mangga. Dalawa pa ‘yung kinuha niya!”
“I have this feeling na buntis na si Anne.”





Comments