Kung nai-stress ka besh, heto ang sagot... PAGKAIN NG ITLOG, PAMPAGANDA NG MOOD
- BULGAR

- Aug 19, 2019
- 1 min read

AYON sa American Journal of Clinical Nutrition, ang kinakain natin ay nakaaapekto sa ating mental health. Kaya, knows ba ninyo na ang pagkain ng itlog ay hindi lamang nakapagpapalakas ng immune system kundi ito ay may magandang epekto rin sa ating mental health at nakapagbu-boost pa ito ng mood?
Sey ni Dr. Natasha Campbell-McBride, ang itlog ay punumpuno ng essential amino acid, Omega-3 fatty acid, Vitamins A, D at biotin, pati minerals tulad ng zinc at magnesium na nakatutulong para labanan ang anxiety. Sagana rin sa Vitamin B ang itlog, lalo na ang Vitamin B-12 na nakapagpo-promote ng development ng nervous system. Ito rin ay may taglay ng choline, uri ng amino acid na nagsisilbing building block ng neurotransmitter na tinatawag na acethylcholin at tumutulong sa learning processes.
Dahil mataas ang protinang taglay nito, may superpower ang itlog na kayang mag-stabilize ng blood sugar dahilan para magkaroon tayo ng good mood.
Dagdag pa ng Psychiatrist na si Drew Ramsey, ang itlog ay sagana rin sa calcium, iron, selenium (isang uri ng antioxidant) at Vitamins E at K. Sey ni Ramsey, ito ay mainam kainin, lalo na kung nai-stress tayo.
Ang payo niya, kumain ng scrambled eggs para sa healthy at anxiety-reducing na almusal.
Oh, ayan mga tropa! Kapag feeling stressed at down tayo, itlog lang pala ang solusyon!
Nice!





Comments