Kita sa palad at zodiac sign... MAG-ASAWANG KAHIT MAGKABALIKAN, PARANG ASO’T PUSA PA RIN AT MAGHIHIW
- BULGAR
- Aug 19, 2019
- 2 min read

Kataungan
Hiwalay ako sa aking asawa dahil hindi kami magkasundo sa maraming bagay at hindi ko alam kung bakit, hindi ba kami compatible?
May manliligaw ako ngayon na isinilang noong October 15, 1983 kaya lang, hindi ko pa siya sinasagot dahil umaasa akong magkakabalikan pa kami ng mister ko, gayundin, natatakot akong sagutin si Mr. Libra dahil baka lokohin lang niya ako.
Sa palagay ninyo, Maestro, magkakabalikan pa ba kami ng asawa ko na isinilang noong August 12, 1988? March 16, 1990 naman ang birthday ko.
Ano ang nakikita ninyo sa guhit ng aking mga palad? Magkakaroon pa ba ako ng masayang pamilya at maayos na pag-aasawa?
Kasagutan
Hindi kayo compatible ng mister mo dahil ang zodiac sign mong Pisces ay nagtataglay ng elementong tubig na hindi tugma sa zodiac sign na Leo ng mister mo na nagtataglay ng elementong apoy.
Sa birth date ay ganundin, dahil ang birth date mong 16 o 7 (ang 16 ay 1+6=7) ay hindi tugma sa birth date na 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ng mister mo.
Ngunit, hindi ibig sabihin nito ay ka-compatible mo na si Mr. Libra, sa halip, hindi rin ka-compatible ng Pisces ang Libra at ang birth date niyang 15 o 6 (ang 15 ay 1+5=6) ay hindi rin katugma ng birth date mong 16 o 7. Sa madaling salita, tama ang pakiramdam mo na hindi mo dapat sagutin si Mr. Libra dahil sa bandang huli ay lolokohin ka lang din niya. Katulad ng iyong asawa, makabuo man kayo ng ugnayan, maaaring sa bandang huli ay sa paghihiwalay lang din hahantong ang inyong relasyon.
Ang pag-aanalisang posibleng hindi kayo magkabalikan ng mister mo na hindi mo ka-compatible sa Astro-Numerology na madaling kinumpirma ng biyak na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na magkabalikan man kayo, tiyak ang magaganap, pansamantala lang ‘yun. Kapag muli kayong nagsama at nag-away, sa paghihiwalay din hahantong ang nasabing hindi tugma na relasyon.
Buti na lang at may ikalawang malinaw at mas magandang Marriage Line (Drawing A. at B.2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa ikalawang pag-aasawa, sa piling ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer o Capricorn na may mga birth date na 2, 11, 20 at 29, tiyak ang magaganap, walang duda, magkakaroon kayo ng maligaya at panghabambuhay na pagsasama.
Dapat GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, anuman ang mangyari, Ms. Lonely, sa ikalawang pag-aasawa, tiyak ang magaganap, makasusundo mo ang lalaking isinilang sa zodiac sign na Capricorn at makasusumpong ka ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya (Drawing A. at B. 2-M arrow b.).




