top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Agosto 19, 2019 (Lunes)

Maestro Honorio Ong
Aug 19, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 19, 2019 (Lunes): Ginaga­ran­tiyahan ng iyong kapala­ran na ikaw ay magtata­gumpay sa iyong mga am­bisyon sa kondisyon na alam mo na ang pagkaka­iba ng pangarap at ambis­yon.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawak mo nga­­yon ang ka­pa­laran mo. Kung gusto mong uma­sen­so, a­asenso ka. Pero, kung sasayangin mo ang ma­gandang balitang ito, wa­lang mangyayaring magan­da sa buhay mo. Masu­wer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-12-19-20-24-30-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatapang ka ngayon. Ikaw mismo ang ma­gugulat sa sarili mo at di­dilat ang mga mata ng mga nag-aakalang wala kang lakas ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­su­werteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-15-22-28-33.

GEMINI (May 21- June 20) - Sino ang pi­kit-matang su­musugod sa mga panganib? Sino pa nga ba kundi ikaw mismo. Ang pagkasaya-sayang ba­­lita ay hindi ka mabibigo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-24-39-33-36.

CANCER (June 21- July 22) - Muli, ma­gaganap na ang ayaw mong mangyari at sasabihin mong tunay na ang nakaa­alam ng mabuti ay ang langit mismo. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-11-17-23-28-35-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Na­kaalalay sa iyo ang langit, la­ngit mismo ang gagawa ng mga hindi mo kayang gawin dahil kahit kailan ay espesyal ang pag­mahal sa iyo ng nasa ita­as. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-7-10-13-20-29-30.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pabigla-bigla ang mga kilos mo ngayon. Ga­yunman, ang mga ito ang panimulang hakbang mo sa pag-asenso. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-24-28-30-35-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Aakalain mo na matata­ga­lan pa bago guminhawa ang buhay mo. Ang hindi mo alam ay lihim na kumikilos ang langit para magtuluy-tu­loy ang pagganda ng bu­hay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lot­to-17-21-28-30-36-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magtata­gumpay ka. Ang tagum­pay na walang pinag-aalayan ay tagumpay na walang ka­tuturan. Kailangan mo ng kaagapay, hindi puwe­de ang nag-iisa sa kalung­kutan. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-7-10-14-20-25-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gawin mo ang gusto mong gawin dahil ang mga pangamba mo ay walang basehan at tinatakot mo lang ang sa­rili mo sa negatibong ideya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-14-16-25-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Natata­naw mo na ang sinasabing li­wanag sa gilid ng madilim na ulap. Ibig sabihin, ga­ganda ang iyong kapala­ran na mas maganda sa nagdaan. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-beige. Tips sa lotto-12-18-24-39-40-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Biglaan ang pagba­bago ng iyong damdamin. Magugulat ang marami, pero noon mo pa kilala ang iyong sarili na palaging paiba-iba ang pasya. Ito ang men­­sahe para sa iyo. Masu­­werteng ku­lay-blue. Tips sa lotto-3-18-22-26-39-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maaaring hin­di mo alam pero, nasa­sa­gap ng mga lihim mong kaaway na lumalakas ka at gaganda ang buhay mo. Iibahin nila ang kanilang mga plano, pero mabibigo pa rin sila. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-20-21-25-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page