Ang aktres daw talaga ang bida… ALDEN, SABIT LANG SA MOVIE NILA NI KATHRYN
- BULGAR

- Aug 19, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

NAGKAROON na ng screening sa Dubai ang Star Cinema movie na Hello, Love, Goodbye, pero ibabalik ang pelikula and this time, sa Dubai Opera na ipapalabas sa August 25.
First time na may Filipino film na ipapalabas sa Dubai Opera, kaya sa halip na magsagutan ang mga fans nina Kathryn at Alden Richards kung kaninong pelikula ang HLG, matuwa na lang sila dahil nagawa ng movie ang hindi pa nagagawa ng ibang pelikulang Pilipino.
In fairness, hindi lang “sabit” si Alden sa movie at ito ang ipinaglalaban ng kanyang mga supporters, kahit tanungin pa ang maraming nakapanood na.
Sabi sa Google, may 2,000 capacity ang Dubai Opera na isang multi-format theater na puwedeng theater, concert hall at events place. Curious kami kung magkano ang tiket sa screening ng HLG doon.
Samantala, nakabalik na siguro sina Kathryn at Alden mula sa Singapore, kung saan dumalo sila sa screening ng movie nila. Habang nasa Singapore, in-interview sila ng Harper’s Bazaar Singapore at sabi ni Mico del Rosario, ang Senior Lifestyle Editor na si Dana Kristen Koh ang nag-interview sa dalawa.
Pagbalik ni Alden, magre-resume siya ng taping ng teleserye niyang The Gift sa GMA-7. Hindi na pala sa Divisoria ang taping dahil maraming tao ang sumusugod ‘pag may eksena si Alden. Kinailangang maghanap ng ibang palengke ang production para makapag-taping nang maayos si Direk LA Madridejos.





Comments