Natsismis na may kabit, inaway ni misis | MISTER, LUMAYAS NANG NAKAMOTOR SAPOL SA BUS, TODAS
- Paul Lamsen
- Aug 19, 2019
- 1 min read

PATAY ang isang mister makaraang sumalpok sa pampasaherong bus, kamakalawa ng umaga sa San Nicolas, Ilocos Norte.
Kinilala ang nasawi na si Edmund Ladera, 34.
Nauna rito, nag-away umano ang biktima at kanyang misis dahil sa tsismis na may babae ito.
Dahil dito, galit na umalis ang mister sakay ng motorsiklo.
Habang bumibiyahe, nasalpok ito ng bus na agad nitong ikinamatay.




Comments