top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Tiyaga lang, lodi! BINATANG SUSUWERTEHIN SA NUMBER GAMES AT MAKATUTULUYAN ANG GF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 18, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Ako ay driver ng pam­pa­saherong dyip. Ngayon ay may nobya ako at mag-aapat na taon na kaming magkarelas­yon.

Gusto na niyang mag­pakasal kaso ang problema, wala akong pera, gayundin, hindi pa ako handang mag­kapa­milya.

Ang tanging inaasa­han ko lang para mag­ka­roon ng malaking pera ay ang pag­taya sa lotto kaso, hindi naman ako tuma­tama.

Sana, mabigyan ninyo ako ng gabay kung ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ng malaking pera para mapakasalan ko na ang aking nobya at ma­kapag­simula ng pamilya.

Gusto ko ring itanong kung compatible kami ng girlfriend ko? May 12, 1991 ang birthday niya at Septem­ber 9, 1988 naman ang birthday ko.

Umaasa,

Clarence ng Balibago, Lian, Batangas

Dear Clarence,

Ang birth date mong 9 at 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) naman ang birth date ng girlfriend mo ay nagsasabing, compatible kayo dahil pare­ho kayong nasasakop ng nu­merong tinatawag na series of 3-6-9 kung saan habang patuloy kayong nagmamaha­lan, patuloy ding darating ang suwerte at ma­gagandang ka­palaran sa inyong buhay.

Ganito ang paggamit ng inyong numero na 9 at 3, na may ruling planet na Mars at Jupiter upang higit nin­yong mapa­kinabangan ang kan­yang kapangyarihan. Pagka­tapos ninyong mag-date, halimbawa ay magha­pon kayong magkasama at ma­sayang-masaya kayong da­lawa kung saan halos ayaw n’yo nang maghiwalay pa at umuwi sa kani-kanyang ba­hay, kapag ganu’n ang paki­ramdam, saka kayo ma­kipag­sapalaran sa ka­hit anong num­ber games. Sa ganu’ng paraan, walang mintis at tatama kayo ng malaking halaga.

Para sa inyong magka­sin­­ta­han, mapalad ang mga ku­lay red, violet, lavender, pur­­ple at ma­roon higit lalo sa mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, parti­kular kung ang mga pet­sang nabanggit ay natapat sa mga araw ng Martes, Huwe­bes at Bi­yernes. Maganda namang magpa­kasal sa su­sunod na taong 2020 hang­gang 2021 sa mga piling buwan ng Abril, Mayo, Set­yem­bre at Oktubre, sa katu­lad ding petsa at araw na binanggit na sa itaas.

Ayon sa Decadens ng Ka­palaran, kung susundin ninyo ang mga simpleng rekomen­dasyong inilahad na sa itaas, tiyak ang magaganap sa su­sunod na taong 2020 hang­gang 2021, sa edad mong 32 pataas at 29 naman ang girl­friend mo, may malaking ha­lagang maibubulsa, sapat upang matuloy ang simple, ngunit, masayang kasalan na hahantong sa pagbuo ng ma­unlad at maligayang pagpa­pamilya, habambuhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page